4 na anak ni Pacquiao inupakan si Mayweather; wala raw ‘K’ manalo

pacquiao kids

Nakatutuwang panoorin ang mga anak ng Pambansang Kamao habang iniinterbyu sila pagkatapos ng laban ng kanilang ama kontra kay Floyd Mayweather, Jr. sa Las Vegas.

Sina Queenie at Princess ang sumalang sa panayam, ipinagtanggol nila ang kanilang tatay, paano raw naman mananalo at makasusuntok si Pacman samantalang takbo lang naman nang takbo si Mayweather?

Sabi pa ni Queenie, “No, my dad’s face was not hurt. He only has a scratch in his face!” napakabata pa pero mulat na ito sa karera ng kanyang ama.

Sabi naman ni Princess, “The guy was just running all the time! He moves and moves and moves always, he can’t do anything but move and run!”

Ang dalawang lalaking anak nina Congressman Manny Pacquiao at Vice-Governor Jinkee ang mga seryoso na sa kanilang reaksiyon, para sa magkapatid ay ang kanilang ama pa rin ang nanalo, dahil sa kanilang nasaksihan sa MGM Grand Hotel.

Kuwento ni Michael habang kaharap si Jemuel, “We’re not happy, we’re not satisfied with the decision. It was my dad who gives the fight, Mayweather did nothing but run and embraces my dad!

“But God is always good, nothing serious happened to my dad, he’s okey, he’s good, but he’s not happy either with what happened,” sabi ni Michael.

Tama. English speaking na nga ang lahat ng mga anak ng People’s Champ. Talagang spokening bow-wow-wow na sila ngayon. Ipinasok ng mag-asawa ang kanilang mga anak sa magagandang paaralan.

Read more...