SA tuwing lumalaban si Manny Pacquiao, kasama niya ang bawat Pilipino sa kanyang bawat galaw, at pagpapasya sa loob ng parisukat na lona.
Kapag sumusuntok at nakakapuro siya, parang tayo rin ang sumuntok at parang tayo rin ang nasasaktan kapag siya naman ang napupuruhan.
Kapag duguan si Manny, duguan din tayo; pag galak na galak siya, ganoon din naman tayo.
Tapos na ang pinakaabangang laban ni Manny kay Floyd Mayweather Jr.
Five years in the making ang tinaguriang Fight of the Century, na inabangan ng lahat.
Inamin ng kampo ni Manny na may shoulder injury ito bago pa ang laban. Pero nagsalita si Manny na kailanman ay hindi niya ito gagawing dahilan kung bakit hindi siya ang nanalo sa laban.
Sabi nga, yung dating Manny, yung mabangis na Manny ay di masyadong nakita. Yun pala ay may iniindang sakit si Manny sa balikat. At sinabi niya ito after the fight at hindi iyon excuse at hindi niya gagamiting excuse para sabihin na iyon ang dahilan ng kanyang pagkatalo.
Hindi ko na sasakyan pa yung “It’s Vegas baby”, na ang pinatutungkulan ay ang sinasabing Mafia na nagkokontrol sa boxing matches sa Vegas.
Kung gumalaw ang Mafia, isang panig lang ba ang kinakausap dito? Hindi ba ang pagbintangan si Mayweather na kasabwat ng so called Mafia ay parang pagbibintang din na kasama roon si Manny?
I had to ask the question as this angle came out in several media platforms including the text messages from our listeners in our morning program Banner Story on Radyo Inquirer.
Ang katotohanan ay ito: Sa anumang laban, boksing man yan o laban sa totoong buhay, ang bawat hakbang na bahagi ng paglalakbay ay kasama ang puso at isipan, ng intensiyon at ng mga nais na marating.
At sa bawat laban, may agresibo at may dumidipensa.
Sa agresyon o sa depensa ka man manalo, panalo ka pa rin sa dulo.
Marumi? Oo! Harang? Oo! Pero siya ang nanalo.
Mayweather won not because he’s the better fighter. He won because he made sure his defenses were there from the 1st round to the 12th round. Nagpunta siya doon hindi para lumaban nang sabayan, kundi para manalo sa paraang alam niya.
Yakap man o takbo, sa totoo lang, nasa loob pa rin iyon ng regulasyong pinahihintulutan sa boksing.
Nakakayamot pero may ganoong boksingero at ganon si Mayweather. Hindi naman yan kaila sa record niya bilang boksingero.
Ngayon natin paniwalaan na napag-aralan niya ang galaw at estilo ni Manny – ang pagiging mabilis at agresibo – yun ang kanyang tinutukan.
Panoorin muli ang una hanggang ika-12 round, makikita na si Mayweather ang nagdala kay Manny sa larong alam niya —mabagal, paiwas, puro depensa, pero nakaabang sa iilang oportunidad na makatama, kahit hindi power punch, basta makatama lang.
Expectations were not met simply because the boxing fans thought Mayweather will fight the aggressor in Pacquiao.
It was the other way around. The defensive fighter was able to pull the aggressor into his type and style of boxing.
In that aspect, his victory is earned and deserved because he was able to lure Pacquiao into his fight plan.
Matagal pang pag-uusapan ang labang ito ngunit ang tunay na tagumpay ay ang pagtangap ng pagkatalo at pagkilala sa nagwagi.
Parehong nagawa iyon nina Manny at Mayweather. Both are great fighters in their own respective merits, style and history of overcoming odds in their lives to become the champions that they are.
Mahal natin si Manny. Kasama tayo sa talo. Ngunit nanalo tayo sa puntong alam natin: na may isang mandirigma na malayo na ang narating sa diwa, puso at isip.