Daniel hiyang-hiya, tumangging halikan si Karla Estrada sa harap ng madlang pipol

karla estrada

Para sa mas nakararaming viewers ng reality talent show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar, lagi na lang naeetsapwera ang performance ni Nyoy Volante.

Base sa mga nababasa naming komento sa social media, palagi na lang nababalewala ang ipinapakitang galing ni Nyoy tuwing weekend sa nasabing programa dahil hindi siya ang itinatanghal na winner sa kanilang weekly showdown.

Tulad na lang nitong nakaraang episode ng YFSF, talagang inaasahan na ng marami na si Nyoy ang mananalo sa 8th week ng laban kung saan pinalakpakan nang bonggang-bongga ang kanyang panggagaya sa vocalist ng bandang Queen na si Freddie Mercury.

Sa boto ng mga jurors, si Nyoy ang nagkampeon pero nang bumoto na isa-isa ang mga celebrity contenders, napunta na kay Karla Estrada ang top spot making her the winner. Ginaya ni Karla ang international singer na si Ann Wilson, ang kumanta ng birit song na “Alone”.

In fairness kay Karla, magaling din naman ang performance niya pero para sa mas nakararaming manonood, mas deserving manalo si Nyoy na kumanta naman ng classic song na “Bohemian Rhapsody.”

Kahit nga ang mga judges ay bilib na bilib kay Nyoy dahil bukod sa kamukha na niya si Freddie Mercury ay kuhang-kuha rin nito ang galaw at boses ng singer.

“Si Freddie Mercury kasi, when he performs, talagang kapag masakit ‘yung kanta, nafi-feel mo ‘yung sakit, and actually di ba may sakit ka ngayon? You used it to your advantage, you used it in your performance and ramdam na ramdam namin ‘yung sakit na ‘yun,” sey ni Jed Madela.

“You nailed it! You’re Nyoy, you can do anything, that was so great,” sabi naman ni Sharon Cuneta. Pinuri rin ni Gary Valenciano ang pagiging totoong artist ni Nyoy, “Nahulog po ‘yung mic niya kanina.

Pero ang ginawa niya, imbes na treating it like mistake, ginawa mong part of the performance. Pero kami, knowing that Freddie Mercury was a live performer, you really, really proved it with that mistake.”

Napanood namin ang nasabing episode ng YFSF noong Sabado at Linggo, at pinanood talaga ni Daniel Padilla ang performance ng kanyang inang si Karla Estrada.

Pagkatapos mag-perform ni Karla ay tinawag ni Billy Crawford mula sa audience si DJ at tinanong kung anong masasabi nito sa performance ng kanyang mommy.

Halatang nahihiya si Daniel dahil wala itong masabi, as in speechless ang binata. Ang sabi lang ni Daniel, saludo siya sa ipinakitang galing ng kanyang nanay.

Pero marami naman ang na-turn off sa binata nang tumanggi siyang halikan si Karla on stage. Niloko-loko pa nito ang ina at umakting na parang ayaw niya itong katabi, kaya naman tawanan ang audience sa studio.

Tawa lang kami nang tawa sa emote ng mag-ina, ang cute lang nilang tingnan dahil para lang silang magbarkada. Pero sana naman hinalikan pa rin ni DJ si Karla bago ito bumaba ng stage.

Read more...