Kris nagtayo ng 3 negosyo, iniregalo kina Josh at Bimby

kris aquino

SA halip daw na mga laruan at kung anu-anong materyal na bagay ang iregalo ni Kris Aquino kina Joshua at Bimby, mas maganda raw kung ang ibibigay niya ay yung makakatulong sa kinabukasan ng mga ito.

Sey ni Kris, negosyo ang napili niyang iregalo sa dalawang anak bilang paghahanda na rin sa future ng mga ito. Sa episode ng Kris TV kahapon ng umaga, mismong si Kris ang nagkuwento sa co-host niyang si Kim Chiu na nakakuha na siya ng franchise ng isang business na matatagpuan sa mga mall.

At hindi lang daw isa, kundi tatlo agad ang kinuha niyang franshise para mas mabilis ang kita. Pero sa ngayon, may mga tao siyang kinuha para mamahal sa mga bago niyang negosyo.

“Hindi na kasi ako ang pwedeng maging owner noon, so, kina Josh and Bimb na ‘yun. Kasi, di ba, kesa naman laging toys or kung anu-anong bagay ang ibinibigay ko sa kanila, e, di business na lang,” chika ni Kris.

Na sinang-ayunan naman ni Kim. Sey pa ng TV host-actress, ang binabanggit niyang negosyo ay ang pinasok ding business ni Kim na ang namamahala naman ay ang kapatid nito.

ang tumanggi siyang halikan si Karla on stage. Niloko-loko pa nito ang ina at umakting na parang ayaw niya itong katabi, kaya naman tawanan ang audience sa studio.

Tawa lang kami nang tawa sa emote ng mag-ina, ang cute lang nilang tingnan dahil para lang silang magbarkada. Pero sana naman hinalikan pa rin ni DJ si Karla bago ito bumaba ng stage.

Read more...