Sulat mula kay Michelle Katalbasa, Sagay City, Negros Occidental
Problema:
1. Sa ngayon po ay wala naman akong problema sa career at sa pera, dahil ako po ay isang public school teacher at masaya naman ako sa suweldo ko at sa trabaho ko. Ang problema ko lang po ay tungkol sa pag-ibig, kasi umabot ako ng edad 35 ng hindi man lang nagka-boyfriend.
2. Sa ngayon iniisip kong baka tumandang dalaga na rin ako tulad ng mga tiyahin ko, kaya naisipan kong humingi ng tulong sa inyo, upang itanong kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend at makapag-aasawa? October 12, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Michelle ng Negros Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius ang iyong magiging first and last boyfriend hanggang sa tuluyang mapangasawa.
Numerology:
Ang birth date mong 12 ay nagsasabing ang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius na tinukoy sa Astrology na magiging first and last boyfriend mo ay nagtataglay ng birth date na 6, 18, o kaya’y 27 namayaman o may kaya sa buhay pero mas matanda sa iyo ng mga tatlo o anim na taon.
Luscher Color Test:
At sinasabi ding sa una nyong pagtatagpo nakasuot ka ng pink at blue naman sa lalaking magiging first and last boyfriend mo na tuluyan na ring mapapangasawa.
Huling payo at paalala:
Michelle ayon sa iyong kapalaran, kahit pa sabihing umabot ka ng edad 35 ng hindi nagka-boyfriend sigurado naman ang magaganap sa susunod na taong 2016, sa edad mong 36 pataas, magkaka-boyfriend ka na, kung saan, ang nasabing lalaki ay makikilala mo rin sa school na iyong pinagta-trabahuhan na tuluyan mo naring mapapangasawa na nagtataglay ng tinitial na A. R. kung saan, ang nasabing pag-aasawa ay tiyak namang magiging maunlad at pang habambuhay ng magiging maligaya.