HINDI makapaniwala si Pinoy boxing hero Manny Pacquiao na bigo siya kay Floyd Mayweather Jr. sa kanilang welterweight title fight kahapon.
Ayon kay Pacquiao uuwi si Mayweather na may dungis ang rekord matapos ang kanilang laban.
“It was a good fight. I thought I won the fight,” ayon kay Pacquiao matapos ang laban sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.
Anya naniniwala siya ang nanalo sa laban dahil wala namang ginawa si Mayweather sa loob ng ring kundi ang tumakbo at yumakap.
“He didn’t do anything but move around,” dagdag pa ni Pacquiao.
“It’s not easy to throw a lot of punches if he kept on moving around,” paliwanag pa ni Pacquiao.
“I thought I caught him many times. I was never hurt. I was very surprised at the scores. I hit him more times than he hit me. I thought I won,” sabi pa ni Pacquiao na hindi makapaniwala sa kinalabasan ng laban.
“I thought we pulled it out. We pressed the action. We may have been flatfooted too many times but I thought we won the fight,” sabi naman ng Hall of Fame trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach.
Panalo man sa kanilang naging laban, nakuha naman ni Mayweather na magpakumbaba nang kahit konti.
“He’s a hell of a fighter, I take my hat off to Manny,” ayon kay Mayweather matapos niyang talunin si Pacquiao sa laban.
Nanalo si Mayweather via unanimous decision 118-110, 116-112, 116-112, sa matchup ng pinakamahusay na mga boksingero ng kanilang henerasyon.
“Now I see why he’s one of the guys at the pinnacle of the sport,” sabi pa ni Mayweather.
Sa laban na tumagal ng 12 rounds, si Pacquiao ay nagpakita nang pagiging agresibo habang pinatindi naman ni Mayweather kung saan siya magaling: sa depensa.
“I outboxed him,” dagdag pa ni Mayweather. “He’s a tough competitor.”