Mga hirit ni MIGZ


KINAPANAYAM ng Inquirer Bandera si dating Senador Juan Miguel Zubiri at tinanong siya tungkol sa mga mahahalaga at napapanahong isyu ng bansa, at ito ang kanyang mga naging tugon:

Freedom of Information Bill: I am for it. Isa ako sa mga author non.

K to 12  program:    I know its controversial but im in favor. Im a product of private school kaya medyo matagal.   …Kung masyadong bata ang high school graduate, talagang makikita mo ang diperensiya sa 15-year old sa 17 year freshman.

Contractualization:  Hindi dapat ang contractualization.  Kawawa naman ang mga taong ito (contractuals).  Many of them don’t receive their benefits, no security of tenure.

Legislated wage:  Ang akin sana at least dapat maging P500  ang minimum wage because if we really want to make a difference in people’s  lives, i- increase ang minimum wage. It has to be  a drastic increase.

Divorce:  Not in favor.  Pero dapat i-loosen ang rules ng annulment. My sister got her marriage and it was very expensive. The problem with divorce I don’t want the type of divorce that can create dysfunctional family na tipong mag-asawa tayo next week sa susunod na buwan hiwalay na tayo.

Same-sex marriage:  You know i have a lot of friends na  LGBT (lesbians, gay, bisexual and transgeder). This is very controversial. Im still not sold out to this idea. You can have BF, GF with  the same sex, no problem but not in marriage.

Anti-Epal bill:  Ok ako diyan. Insurgency:  Government has  a major responsibility to take so that we can eradicate this insurgency. If we have an honest to  goodness anti-poverty program, rebels won’t stay in the mountains.

Anti-poverty programs: My proposal is universal health care, at least 40 million  Filipinos need to receive universal health care wala silang babayaran, style France, Australia and Spain.

This is one way we can help this people move forward. ang problema kasi ng mga kababayan natin lalo na ang mga mahihirap they can’t do anything to save their loved ones.

Mining: I’m personally not in favor of mining of key diversity areas like Palawan.

I am not totally  against mining.

If we will allow this, we should increase taxation of mining companies because they are earning billions of dollars.

We will agree if the income will go to the housing facilities, health care and education of those people who work under them.

BANDERA:  Ilarawan mo sa isa o dalawang salita ang mga sumusunod na indibidwal:

GMA:  Hardworking

Pangulong Aquino: Honest

Renato Corona:  Passionate

Manny Pacquiao:  Courageous

Sen. Miriam Santiago:  Intelligent

Sen. Koko Pimentel: Determined

Vina Morales:  Talented

BANDERA:  Magkano ang iyong net worth?

Zubiri:  P44 million

B: May dollar account ka ba?

Zubiri: I have no dollar account.  My wife has peso accounts and  I can sign a waiver anytime.

B:  Ilan ang bahay mo?

Zubiri: Isa sa Makati at isa sa Calatagan…
with my farm.

B: Ilan ang sasakyan mo at anu-ano ang mga ito?

Zubiri: Land cruiser; Fortuner; my wife has a Starex.  I have no sports car.

B: Do you own guns?

Zubiri:  Im a gun collector. Pistol?  I have a .45 I had this when Im 16 years old.  I am into sports shooting.

B:  Limang pangalan na isusulat mo sa iyong balota (hindi kasama ang pangalan mo)

Zubiri: Loren Legarda dahil kasama ko siya na nakikipaglaban para sa kalikasan; Dick Gordon dahil boss ko siya sa Red Cross; Jack Enrile because I am close to his father; Gwen Garcia, because aside from me and Sen. Koko Pimentel, she’s the other candidate who hails from VisMin; Gringo Honasan-one of the descent men I have known.

Kung may number six, baka si Koko Pimentel… (laughs)

 

Ex-congressman o ex-senator?

Ni Liza Soriano

HINDI na umano mahalaga kung ano ang dapat itawag sa kanya nang kanyang mga nakakausap —kung tatawagin ba siyang Congressman o Senator Migz.

Ang mahalaga, ayon kay Juan Miguel Zubiri, ay “I have performed as a senator”.

Sa kanyang pag-upo sa harap ng mga editors ng Inquirer Bandera noong isang linggo, naging mahirap umano ang naging kalagayan niya nang magpalit ng administrasyon.

Anya parang “wala na kaming nagawang tama dahil associated kami kay Former President Arroyo.

Ngunit iginiit ni Zubiri na napanatili niyang malinis ang kanyang pangalan at nagtrabaho siya nang maayos bilang senador.

“I have no corruption case  or any corruption scandal na iyan.

Ako ay one of the hardest working, I have a perfect attendance and nobody can match my record.

“And I  dare anyone to look for senator or congressman that can match my record since 1998 as a legislator until I resigned, I have no absence.

Sana yun ang tignan nila kasi pag associated ka kay GMA mandaraya ka na, masakit, masakit iyon.” pahayag pa ni Zubiri.

Wala na rin anya siyang magagawa kung hindi niya makumbinsi ang lahat na wala siyang kinalaman sa dayaan noong 2007 polls.

“Mahirap kumbinsihin ang tao na ayaw magpakumbinsi.

I can’t please everyone. There are haters and non believers.

I can’t convince the non-believers. But I hope I would be able to convince enough to make me win,” ani Zubiri.

Sa 2013, umaasa umano  siya na tuluyan nang magiging legal ang pagtawag sa kanya ng “Senator Migz.”

Bago naupo bilang senador noong 2007, naging kongresista si Zubiri ng Bukidnon.

Nagbitiw siya bilang senador noong isang taon, kasabay ang pag-amin na isa siya sa mga nakinabang sa nangyaring dayaan sa nasabing halalan.

Dahil dito, idineklara na si Koko Pimentel ang ika-12 senador na nanalo.

(Ed:  May tanong, komento o reaksyon ba kayo sa artikulong ito? o kay Migz Zubiri?  I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe at i-send sa 09178052374)

 

 

Read more...