Daniel Padilla naniningil ng P5-M para sa 5 kanta

daniel padilla

Bigung-bigo ang maraming kababayan nating gustong makakuha sa serbisyo ni Daniel Padilla sa kanilang lugar. Panahon na naman ngayon ng mga fiesta, gusto sanang mabigyan ng mga tagapamuno ng kanilang bayan ang mga nasasakupan nila sa pamamagitan ni DJ pero hindi kaya ng kanilang maliit na budget ang talent fee ng heartthrob.

Milyon kasi ang talent fee ni Daniel, hindi ‘yun kaya ng mga lugar na limitado lang ang budget para sa kanilang kapistahan, mananatiling pangarap na lang ang presensiya ng guwapong binata na tinitilian ngayon ng mga kabataan.

“Sa five songs lang ni Daniel, one million na ang talent fee niya. Kapag full band, twelve songs, 1.7 million ang TF niya. Parang isang bonggang-bonggang show na ‘yun na meron kang fifteen entertainers sa presyong ibinibigay ng mga managers ni Daniel!” manghang-manghang kuwento ng isang nakausap naming promoter.

Sinasamantala lang ng Star Magic ang init ng kasikatan ngayon ni Daniel Padilla. Sa mga shows sa probinsiya at sa ibang bansa lang kasi bumabawi ang mga artista.

“Pero huwag naman sanang ganu’n kataas ang talent fee niya, kayamanan na ‘yun ng probinsiyang kakantahan lang naman niya. Sana, ibaba naman nila ang TF ng bata para makarating din siya sa iba-ibang probinsiyang may mga fans siya,” katwiran ng kausap naming promoter.

Oo nga naman.

Read more...