‘Ako’y humahalakhak sa pagkatalo ni Pacman!’

jinkee pacquiao

NGAYON magkikita-kita ang magkukumpare sa mga opisina nila at pag-uusapan nila siyempre ang pagkatalo nila sa pustahan on the Mayweather-Pacquiao boxing match of the century – merong magsasabi siyempre nadaya na naman si Pacman – may magsasabing matangkad kasi si Mayweather sa kaniya kaya hindi patas.

May magsasabi namang mali ang naging desisyon, may magsasabing masakit ang ulo niya dahil natalo siya sa pustahan, etcetera, etcetera. May umaasang sa rematch ay tiyak na si Pacquiao naman ang mananalo.

Dalawa sa naniwala sa announcement ko sa radio show namin sa DZMM ang pumusta for Pacquiao dahil ibinalita ko minsan ang sinabi ng source ko na feeling insider na si Pacman ang papanalunin this time at si Mayweather naman sa susunod.

In fairness to my source, lahat ng sinabi niya na naikuwento ko ay tama halos lahat – that Mayweather agreed daw for the bout on certain conditions – 60-40 sa kita; at kanya ang mga tickets para pagkakitaan niya.

So, I almost believed her when she said na si Pacquiao daw ang papanalunin and next na lang si undefeated Mayweather. Of course, I had little doubts sa sinabi niya pero since sila itong mahihilig sa boxing at well-connected, I believed her.

Now, it can be told that she’s wrong – at doon lang siya pumalpak. Natawa na lang ako. Ang ending, ako na ang nag-offer na ibalik ang talo nila. Buti na lang at maliliit lang ang pusta nila.

Kung malaki iyon malamang na magtitinginan na lang kami sa ilong. Ha-hahaha! On hindsight, not because I am not a boxing aficionado, huwag magalit sa akin ang mga fans ni Pacquiao, naniniwala akong tiyak na kagustuhan na rin ng Panginoong huwag siyang manalo for many reasons.

Tiyak na lalong yayabang ang mga tao sa paligid ni Pacquiao pag siya ang nanalo. Ano na lang kayang maririnig natin kina Mommy Dionisia and Jinkee and Chavit Singson, Erik Pineda, kung si Pacman ang nanalo.

Baka lalong tumangos ang ilong ni Jinkee na hindi na nga marunong yumuko at lumingon dahil puro imported brands na lang ang gamit. Ayaw ng Hermes at LV nang ganoon kasi, di ba?

Ako’y humahalakhak sa pagkatalo ni Pacman – I didn’t pray for that – of course not! Ha-hahaha! I am praying na sana’y mangyari ang mga bagay-bagay na merong magandang maidudulot sa puso at buhay nating lahat – ganu’n din ang prayers ko for them.

Hindi ba’t gamit na gamit nila ang pangalan ng Diyos sa bawat segundo before the fight?  Baka this time ay nagtatampo pa sila sa Diyos dahil natalo sila – sasabihin nilang hindi sila pinakinggan sa Itaas.

Nakalimutan kasi nila na ayaw ng Diyos ng sugal – ayaw ng Diyos nang nagkakasakitan. Akala nila kasi ay pakikinggan sila ng Diyos sa pagdadasal nila para lalo silang yumaman.

Malaki rin naman ang kita ni Pacquiao dito kahit talo siya kaya hindi sila dapat magsintir masyado. Marami pa rin namang pambili ng LV and Hermes bags ang nakataas ang noong si Jinkee, marami pa rin namang pang-give si Mommy D sa bagets na boylet niya dahil malaking pera pa rin iyon.

At pustahan tayo oh – yung mga nakapaligid kay Pacman ngayon ay unti-unti na namang didistansiya dahil talo sila. Ganoon naman ang mga Pinoy eh, most of them only go with winners. Pag talo, bumababa na ang tingin nila.

Now, tatakbo pa ba si Pacquiao for President? Ng alin? Liga ng barangay? Ng Homeowners Association? Grabe kasi sila mag-hype ng tao before the figth, ngayon nila sabihin iyan at baka pagtawanan sila.

Pati si Mary Jane Veloso ay nagamit pa ni Bob Arum – na kesyo na-reprieve ito sa firing squad dahil dininig daw ang request ni Pacquiao through his letter kay Indonesian president.

Pangako raw ni Pacquiao that right after the fight ay pupuntahan niya ang pangulo ng Indonesia para magpasalamat. Sige nga, tuparin mo nga ang pangako mo kahit natalo ka. Baka bumilib pa kami sa iyo pag ginawa mo iyon.

Maraming bagay na dapat nating silipin after ng match na ito. Tutal, tapos na ang laban – tapos nang mag-ensayo at heto nga’t natalo na si Pacman, puwede bang bumalik na silang mag-asawa sa mga opisina nila para pagsilbihan ang constituents nila.

Ibinoto sila ng taumbayan para maging guardians ng kanilang mga probinsiya, magsipagtrabaho nga muna sila.Doon nila ibuhos ang mga hinagpis nila.

Hindi yung puro press releases sa pagbili ng bahay ni J-Lo at kung anik-anik na mga state visits. This time, they have to go back to work, OK?

Congrats pa rin dahil you still the victor in every Pinoy’s heart. Ang mahalaga ay natuloy ang laban ninyo ni Mayweather – ngayon ay alam mo na kung hanggang saan lang ang kaya mo.

Ganoon talaga sa laban, may nananalo at meron ding natatalo. Kailangang tanggapin ang pagkatalo, di ba? And praying that this will humble us all. Mwah!

Read more...