Mga netizen idinaan sa social media ang pagkadismaya sa pagkatalo ni Pacquiao

Mayweather-Pacquiao

Mayweather-Pacquiao


IBINALING ng mga netizen sa social media ang kanilang pagkadismaya sa pagkatalo ni Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather, Jr.
Idinaan na lamang sa biruan at pang-ookray kay Mayweather ang kanilang protesta sa laban kung saan nagtrending ang pagtakbo at pag-akap nito.
Kabilang sa mga nag-trending na linya ay: “Niyakap-yakap ka tapos sasaktan ka din pala? Na-Mayweather ka.”
Isang meme rin ang nag-trending, kung saan inilagay ang ulo ni Mayweather sa character ng “Frozen” na si “Olaf” kung saan may mensahe na nakalagay na “I am Mayweather and I like warm hugs.”
Biro pa ng mga netizen, na “perfect boyfriend” si Mayweather, sa pagsasabing “he hugs too much.”
Isa pang post ng mga netizen ang, “Kung alam ku lang na tatakbo ka lang sa reng, e di sana nag basketbul nalang tayu,” na patama pa rin kay Mayweather.
Sikat din ang linya na,”Mayweather will be part of the next Sarah and John Lloyd movie. #Powerhug”
Ayon naman sa isang post, “This fight is still better love story that Twilight. #MayPac”

Read more...