Sino ang mapapangasawa

Sulat mula kay Michelle Katalbasa, Sagay City, Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,

Sa ngayon po ay wala naman akong problema sa career at sa pera, dahil ako po ay isang public school teacher at masaya naman ako sa suweldo ko at sa trabaho ko. Ang problema ko lang po ay tungkol sa pag-ibig, kasi umabot ako ng edad 35 ng hindi man lang nagka-boyfriend. Sa ngayon iniisip kong baka tumandang dalaga na rin ako tulad ng mga tiyahin ko, kaya naisipan kong humingi ng tulong sa inyo, upang itanong kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend at makapag-aasawa? October 12, 1979 ang birthday ko.

Umaasa,
Michelle
ng Negros Occidental

Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Nakatutuwang makitang mayroon namang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kahit na medyo may edad ka na sa ngayon sa edad na 35, hindi ka naman dapat na kabahan o mawalan ng pag-asa, dahil ang guhit ng iyong palad ang nagsasabi at tumitiyak na darating din ang saktong araw – makapag-aasawa ka.
Cartomancy:
Ace of Hearts, Queen of Clubs at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking mas may kaya sa iyo sa buhay at mas may edad sa iyo ang ang iyong magiging boyfriend at tuluyan na ring mapapangasawa na nagtataglay ng initial na A.R.
Itutuloy…..

Read more...