Janno may ‘sakit’ sa pagtulog kaya sa gabi nagtatrabaho

janno gibbs

Maingay nang pinag-uusapan ang paglipat ni Janno Gibbs sa TV5. Wala pang kumpirmasyong nagmumula sa mga ehekutibo, pero pabulong nang pinagpipistahan ‘yun, si Ogie Alcasid daw ang nang-imbita-humikayat sa actor-singer na lumundag na sa bakuran ng TV5 mula sa Siyete.

Isa si Janno sa mga singers na dapat sana’y nu’n pa nakaalagwa sa labanan. Magaling siyang kumanta, ang boses niya ay kanyang-kanya lang at walang kaplakado, nagkataon lang na kinapos siya sa disiplina.

Ang mga ganu’ng talento ang nakapanghihinayang kapag hindi masyadong napakikinabangan. May mga oportunidad na dumarating pero nakalalampas dahil sa kakapusan ng disiplina.

Ang kuwento kasi ay insomniac si Janno, hindi siya nakakatulog sa gabi, kaya buong araw siyang tulog. Pero kung insomniac nga siya ay puwede siyang mag-show sa gabi, kadalasan naman ay sa gabi ang trabaho ng mga singers, puwede niyang gawing makabuluhan ang panahon kung gugustuhin lang niya.

“Maayos na si Janno, very professional na siya, alam na niya ang dapat niyang gawin nga-yon, nagbago na siya,” pangako ng isang nakausap namin tungkol sa singer-actor.

Isang sitcom ang balitang unang magiging proyekto ni Janno Gibbs sa TV5, siyempre’y sila ng kanyang kaibigang si Ogie Alcasid ang bibida, harinawang maging maayos ang relasyon ng TV5 at ni Janno.

Read more...