Tom, Dennis dinamba, pinaghahalikan ng mga nagkakagulong fans sa Bangus Festival

dennis tom

Samantala, grabe ang init ng pagtanggap ng mga taga-Dagupan kina Dennis, Tom at Kris sa ginanap na Kapuso Night noong Huwebes ng gabi para sa selebrasyon ng Bangus Festival.

As in literal na pinagka-guluhan ang tatlong Kapuso stars, lalung-lalo na nang lumapit ang tambalang Tom-Den sa audience. Naloka nga kami dahil talagang umikot sina Tom at Dennis sa ibaba ng stage para mayakap at mahalikan sila ng kanilang mga nagwawalang fans.

Meron pa nga kaming nakita na isang babaeng bigla na lang dinamba si Tom at hinalikan sa lips! Siyempre, wala nang nagawa ang aktor at ang ilang security guards at marshalls dahil talagang nagkagulo na nga ang mga tao.

Meron naman na talagang super yakap sa dalawang Kapuso actor na parang ayaw nang humiwalay. Buti na lang game na game sina Dennis at Tom at wala kang maririnig na reklamo o makikitang pagkairita sa kanila.

Sey pa nga ni Tom, “Napakaswerte namin ni Dennis na makarating dito at makasama kayong lahat. Imagine, kumain na kami ng masarap, nakarating kami ng Pangasinan tapos ganito pa ang daratnan namin, maraming salamat po!”

Tuwang-tuwa rin ang mga magulang ni Tom (from the US) na sina Mr. & Mrs. Walter Mott na talagang sumama sa kanilang anak sa Pangasinan para mapanood si Tom.

Hindi raw sila makapaniwala na sikat na sikat na ang aktor dito sa Pilipinas.Kagabi, ang Kapuso couple naman na sina Lovi Poe at Rocco Nacino ang magpapaligaya sa mga taga-Pangasinan, nasa Capitol Plaza, Lingayen, Pangasinan ang magdyowa sa pagpapatuloy ng Kapuso caravan para sa Bangus Festival.

Nakasama rin nila ang Kapuso teen loveteam na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Read more...