Mga Laro Ngayon
(Philsports Arena, Pasig City)
12 n.n. India vs Macau
2 p.m. Uzbekistan vs Thailand
4:15 p.m. Philippines vs Iran
7 p.m. Japan vs Maldives
MAIPAPAKITA ngayon ng host Philippines ang galing ng U-23 women’s team sa pagharap sa Iran sa pagbubukas ng 1st Rebisco Asian Women’s U-23 Volleyball Championship na handog ng PLDT Home at Smart Live More sa Philsports Arena, Pasig City.
Ikatlong laro sa quadruple-header dakong alas-4:15 ng hapon magsisimula ang nasabing tagisan at sasandalan ang koponang hawak ni coach Roger Gorayeb at pinangungunahan ni Alyssa Valdez ang determinasyon at suporta ng manonood para makuha ang unang panalo sa Pool A.
“We’re prepared for the games. The teams we are playing are all established already compared to us, we’re inexperienced since this is our first tournament in a long while. But we’re gonna play our hearts out and try our best,” wika ni Valdez sa pulong pambalitaan kahapon sa Crown Hotel Plaza sa Ortigas kahapon.
Ang Kazakhstan ang ikatlong koponan sa Pool A at ang mananalo sa Pilipinas-Iran ay maiabante na ang isang paa sa second round.
“The players competing here are the best players in their respective countries. We haven’t seen any of these team play and the best thing we can do is to really prepare well in every game. Makakatulong din sa mga bata ang crowd dahil makakapagpataas nito ang kanilang confidence level,” dagdag ni Gorayeb.
Dehado rin ang bansa sa height pero sisikapin ng Nationals na daanin ang laro sa bilis at mahalaga ang back row attack para makuha ang panalo.
“Ang lalaki ng mga kalaban pero kung kaya nating kunin sa harap bakit hindi. Pero mahalaga ang back row attack para manalo rito,” dagdag ni Gorayeb.
Sina Jaja Santiago, Myla Pablo, Gretcel Soltones Bea de Leon, Marivic Meness, Jia Morado, EJ Laure, Tin Agno, Jhoanna Maraguinot, Ella de Jeses at Rissa Sato ang iba pang kasapi ng koponan na handang ibigay ang lahat ng makakaya para sa hanap na magandang panimula.
Nasa 12 teams ang kasali at sila ay binigyan ng mainit na pagsalubong ni Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) president Jose Romasanta.
Dumalo rin sa pagtitipon si TV 5 President and CEO Noel Lorenzana at tiniyak niyang gagawin ng network ang maibigay ang magandang coverage lalo pa’t ang women’s volleyball ay isa sa umuusbong na sport sa bansa.
“TV5 believes in the promotion of sports and women’s volleyball is one sport we are pushing because we believe this is the next big thing in Philippine sports,” wika ni Lorenzana.
Ang laro ngayon at sa Kazakhstan bukas ng alas-2:30 ng hapon ay mapapanood ng live sa TV5 at Aksyon TV.
Ang iba pang bansa na kasali ay ang China, India, Macau, Japan, Chinese Taipei, Maldives, South Korea, Thailand at Uzbekistan.