Suwerte sa buwan ng Mayo | Bandera

Suwerte sa buwan ng Mayo

Joseph Greenfield - May 01, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jun  ng Poblacion II, Obrero,  Butuan City

Dear Sir Greenfield, Matagal na akong graduate ng kursong Marine Transportation, ang kaso ay hanggang ngayon ay wala pa rin akong trabaho. Masipag naman po akong mag-aplay sa mga shipping agency at kung saan-saang pang-ahensya pero ang laging sinasabi sa ay tatawagan na lang ako. Sir Greenfield, sa edad ko bang ito na 29 na, may pag-asa pa kaya akong magkaroon ng regular na trabaho? Kung mayroon, kailan kaya ito magkakatotoo? Nagsasawa na kasi ako sa buhay ko na walang ginagawa at maghapon na lang sa bahay na nakatunganga? August 28, 1986 ang birthday ko.

Umaasa, Jun ng Butuan City

Solusyon/Analysis: Palmistry:

May malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa takdang panahong inilaan ng kapalara, kahit 29 na ang iyong edad, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

Cartomancy:

Five of Clubs, Nine of Diamonds, Seven of Diamonds, ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing ngayong buwan hanggang Setyembre ay magagandang kapalaran ang kusang darating sa iyo. Makapagtatrabaho ka, makapagsi-seaman hanggang sa tuloy-tuloy na ring umunlad at umasenso. Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending