NAKATUTUWANG malaman na naging trending topic pala sa Twitter ang guesting ng anak-anakan nating si Michael Pangilinan sa Gandang Gabi, Vice ng ABS-CBN last Sunday.
Ang saya at ang cool ng guesting nila ni KZ Tandingan sa number one evening Sunday show ng Dos. Hindi stiff ang dating at hindi hard-sell kaya natuwa ang audience.
Sa unang bahagi ng GGV, may revelations si JM de Guzman and girlfriend Jessy Mendiola. Inamin nilang naging sila ulit since April 1 (April Fools Day) after six months of courtship. Ang cute ng segment nila sa first half ng show.
At nang pumasok na ang portion nina KZ and Michael, talagang naaliw ang audience sa studio at ng televiewers. Kasi nga, napaka-playful nilang tatlo lalo na sina Michael and Vice.
May mga biro si Vice kay Michael na hango sa kanta nitong “Pare Mahal Mo Raw Ako”, about gay friendship – knowing how pilya Vice Ganda is, kiyemeng pini-flirt niya si Michael na sinasakyan naman ng anak natin at some point.
Nang sabihin ni Michael kay Vice na, “Hayaan mong ako naman ang magpasaya sa ‘yo,” biglang gumulong sa sahig si Vice sa sobrang tuwa. Ha-hahaha! Yung ganoong eksena na hindi cheap ang dating.
Personally, I’d like to thank Vice Ganda for having Michael in his TV show. Ang laki ng naitulong noon sa exposure ni Michael. Imagine, after ng guesting na iyon, maliban sa nag-trending ito worldwide at sobrang taas daw ng rating, nadagdagan ng more than 12,000 instant followers si Michael sa IG and Twitter account niya.
“Hindi ko kasi napanood yung episode na yun, nasa 6th Enpress Golden Screen Awards kasi ako, may production number kami nina Morisette, Aicelle and Kuya Thor, pero ang dami kong natanggap na text messages. May nagsabi pa ngang medyo chubby raw ako roon, di kasi nila alam na two months na naming na-tape iyon.
“Pag nakita nila ako ngayon baka ma-shock sila, may abs na ako. Grabe ang diet ko ngayon. Marami kasi akong pinaghahandaan. Ha-hahaha! Magbu-bold star na ako. Ha-hahaha! Joke lang!” ani Michael na talagang ang laki ng iginanda ng katawan ngayon.