Enrique, Liza magkakaroon ng bonggang concert sa La Presa

LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

TIYAK na ikatutuwa ng mga tagasuporta ng phenomenal loveteam nina Enrique Gil at Liza Soberano ang good news mula sa ABS-CBN at sa buong production ng teleserye nilang Forevermore.

Inihayag ng Star Creatives ng Kapamilya network na magkakaroon ng bonggang thanksgiving concert ang buong cast ng Forevermore na gaganapin mismo sa La Presa, ang sikat na sikat na ngayong lugar sa isang bahagi ng Benguet kung saan nagte-taping ang ilang cast ng programa.

Matatagpuan ang La Presa sa Mount Cabuyao, Tuba, Benguet – ang tunay na tawag sa nasabing lugar ay Sitio Pungayan na naging instant tourist destination na nga among local ang foreign tourists na nagpupunta sa Benguet dahil sa kasikatan ng Forevermore.

At para nga mas paligayahin pa ang mga walang sawang sumusubaybay sa serye, isang thanksgiving concert ang regalo ng ABS-CBN sa madlang pipol na pinamagatang “#MayForever,” na gaganapin mismo sa La Presa sa darating na May 10.

In fairness, simula namg umere ang Forevermore noong October, 2014 ay hindi na ito natalo sa ratings game, nananatili pa rin itong number one primetime series ng Kapamilya network. Napapanood ang Forevermore gabi-gabi pagkatapos ng Nathaniel.

Read more...