Andi: Wala akong niloko, hindi ako sinungaling!

ANDI EIGENMANN AT BRET JACKSON

ANDI EIGENMANN AT BRET JACKSON

NASAKTAN si Bret Jackson sa naging interview ng Aquino & Abunda Tonight sa ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann. Isang nakakaintrigang tawa lang kasi ang isinagot ng aktres nang tanungin kung minahal ba niya si Bret.

Sa ginanap na premiere night ng pelikula nilang “Your Place Or Mine” ay inusisa ng press si Bret kung may balak pa siyang ligawan uli si Andi matapos nitong sabihing hindi totoong nagkabalikan sila uli ni Jake Ejercito.

“I didn’t know, I was kind of hurt last night so, for at the moment, I didn’t know what to do,” chika ng binata.

May dahilan naman para magdamdam si Bret dahil nu’ng tinanong kasi nina Boy Abunda at Kris Aquino ang aktres kung minahal ba talaga niya si Jake, isang mabilis na “oo” ang tugon nito.

Pero ayon kay Bret, hindi siya nagalit kay Andi at naiintindihan niya ang naging sagot nito, “I took it, I mean, the best way that I could. Kasi Andi needs to focus on her child right now. That’s okay with me, and I know she has a lot of big things coming out of her career.

“And I’m happy for her. And she’s right, six years, she deserves to be by herself for a while,” sey pa ng dating PBB housemate.

Samantala, todo naman ang pagpapaliwanag ni Andi kung bakit itinago nila ni Bret ang kanilang relasyon kasabay ng pagsasabing hindi nila niloko ang mga tao at hindi rin siya nagsinungaling. Mismong si Bret kasi ang nagsabi na si Andi ang may gusto na ilihim ang kanilang love affair.

“Kasi po, parang sa sobrang dami ng napapagdaanan ko sa buhay, lahat na lang, ‘di ba, nagiging kontrobersiya? Lalo na yung paghihiwalay namin ni Jake. So, yung parang… naghiwalay na kami, after that, nakakilala po ako ng iba, which is Bret.
“Siyempre, para sa ‘kin, for once, gusto ko muna i-keep private yung nangyayari sa personal kong buhay. It’s not that we were really hiding from everyone.

“I wasn’t lying to anyone. I never denied anything. People just didn’t know about it, so people weren’t able to ask me,” depensa pa ng aktres.

Read more...