REGALO na para kay Angel Locsin ang pagpayag ng boyfriend niyang si Luis Manzano ang magpunta ng mag-isa sa Batanes noong birthday niya last April 23. Laking pasasalamat ni Angel na pumayag si Luis.
Hindi naman daw siya kasi pupunta sa isang lugar para mag-party kundi gusto lang niyang lumawak ang kanyang knowledge tungkol sa ibang tao. Sinadya rin daw niya na hindi yayaing sumama si Luis sa kanyang recent trip.
“Gusto sana niya akong samahan pero hindi kasi ganoon, e. Baka mahirapan lang siya. So, ayaw ko rin naman na ma-hassle siya,” lahad ni Angel.
Pagbalik niya from Batanes, wala naman daw siyang plano na mag-celebrate dito sa Manila. At hindi rin naman niya hinihintay na magplano si Luis ng celebration for her.
“Gusto ko rin naman matutunan ‘yung hindi lahat ng bagay tungkol sa akin. So, ayun. Pero gusto ko siyang isama doon next time kasi mahilig siya sa beach. Mahilig din naman ako sa tubig.
Pero mas mahilig ako sa mga green, bunduk-bundok. Pero may common ground kami, dagat katabi ng mga bundok,” excited na tsika ni Angel.
Nakausap namin si Angel sa solo presscon niya para sa two-part episode niya with Coco Martin and Ejay Falcon sa longest drama anthology na Maalaala Mo Kaya na mapapanood ang concluding part sa darating na Sabado, May 2 at 7:15 p.m..
In fairnesss, may chemistry sina Angel at Coco on screen based on what we saw sa first part ng episode nila last Saturday.
Nagbiro naman si Angel na nag-request siya ng love scene sa MMK.
Pero meron silang kissing scene ni Coco, huh! “Merong isang lumusot ata. Hindi, gusto ko talaga siyang katrabaho. Natutuwa talaga ako sa kanya,” ngiti ni Angel.
Marami raw siyang na-discover kay Coco na mga ugali ng aktor sa unang pagkakataon na magkatrabaho sila. “Ang alam ko base sa mga kwento ng mga tao, napaka-humble niya, mabait siya na tao.
Pantay-pantay siya kung paano siya makipag-usap. Pero nakakatuwa kapag nakikita mo na nang harap-harapan. Tapos lagi siyang nakangiti,” papuri niya kay Coco.
Dugtong pa ni Angel, “Ang ganda-ganda ng ngiti ni Coco. ‘Yung parang kahit pagod ka na, ‘yung matatawa ka na lang kaya siguro MMK barkadahan episode ‘tong ginawa namin, e.
Tawa lang kami nang tawa. Ang saya-saya namin doon. Siguro lang din masyado naming nirerespeto ‘yung story. Nagkakaintindihan na kami na, ‘O, kapag trabaho, trabaho.’ Pero kapag off-cam, ano lang, enjoyin na lang kasi until wee hours kami nagti-taping.”