PNR train nadiskaril: 80 nasaktan

PNR
Walumpu katao ang nasaktan nang madiskaril ang isang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa pagitan ng Makati City at Taguig City Miyerkules ng hapon, ayon sa mga otoridad.
“Eighty suffered minor injuries, walang serious,” sabi ni Emerson Carlos, assistant general manager ng Metropolitan Manila Development Authority, sa isang text message.
Dalawang bagon ng southbound na tren ang nadiskaril sa pagitan ng EDSA station ng Magallanes, Makati, at ng Nichols station ng Taguig dakong alas-4, sabi ni Paul de Quiros, tagapagsalita ng PNR, sa isang panayam sa radyo.
Dinala ang mga sugatan sa Taguig-Pateros District Hospital, sabi naman ni Inspector Jonathan Aribe, hepe ng Taguig City Police Precinct 7.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente habang isinusulat ang istoryang ito

Read more...