NILIWANAG ni Indonesian President Joko “Jokowi” Widodo na iniurong lamang ang pagbitay sa Pilipinang si Mary Jane Veloso, at hindi ito tuluyang ibinasura.
“There’s a letter from the Philippines [explaining about] human trafficking. It is a postponement [of the execution], not an annulment,” ayon kay Widodo.
Iniurong ang pagbitay kay Veloso matapos umanong lumutang ang bagong ebidensiya na magpapawalang-sala sa kondenadong si Veloso.
Itinawag umano ni Pangulong Aquino kay Widodo ang bagong ebidensiya at hinimok ito na gawing testigo si Veloso laban sa recruiter nitong si Maria Kristina Sergio.
MOST READ
LATEST STORIES