Pacman walang kaduda-duda, Kapuso pa rin

manny pacquiao

Oo nga’t mapapanood sa tatlong malalaking networks ang pinaka-aabangang paghaharap ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ni Floyd Mayweather pero kapansin-pansing hindi pa rin nawawala kay Pacman ang pagiging Kapuso.

Makikita sa mga interview kay Pacman na talaga namang number one sa billing ang GMA. Siyempre, sa tinagal-tagal na rin ni Pacman sa GMA, mula sa Show Me the Manny, Manny Many Prizes, at MP Featuring Sport Science, aba’y hindi maikakailang kapag may balitang magkakaroon ng laban si Pacman ay automatic na GMA ang maiisip ng viewers.

At sa pagwe-waive ng GMA sa exclusive rights nito na ipalabas ang Pacquiao-Mayweather fight, feel na feel ni Pacman ang pagpapahalaga sa kanya ng kanyang home network—swak na swak sa hashtag na #GoManny!

Read more...