‘Edna’ ni Irma Adlawan waging-wagi sa mga estudyante

irma adlawan

MASAYANG-MASAYA si Tonet Gedang ng Artiste Entertainment dahil naging successful ang movie screening ng “Edna” sa Adamson University kamakailan. Natuwa siya dahil sa mga magagandang feedback ng mga estudyante sa nasabing pelikula.

Matagumpay niyang naibahagi ang tunay na mensahe ng pelikula na maging “eye opener” sa karamihan lalo na sa kabataan na may OFW parents na bigyang halaga at ma-realize ang hirap at sakripisyo ng magulang sa ibang bansa para maibigay sa mga kapamilya ang ginhawa sa buhay.

“Ang ‘Edna’ ay nagpapakita ng tunay na conflicts at nangyayari sa typical na pamilyang Pilipino,” komento ng isang estudyante. Humanga din sila sa galing ng pagganap ng mga bida lalo kay Irma Adlawan dahil naipamalas nya ang pagiging may matatag na kalooban at pagkakaron ng “values” bilang makabagong Pilipina at bayani.

Sa open forum, may nagtanong kay Tonet Gedang kung sadya ba nilang pinagagawa at pinapakita ang tawag nilang “poverty porn” na trend sa mga indie movie? ” Kung mapapansin nyo ang pamilya ni Edna ay middle class at hindi mahirap.

Mula sa simula ang adhikain ng movie ay maipakita ang istorya ng pamilyang Pilipino hindi lng OFW kundi lahat ng pamilya o magulang na nagsasakripisyo para maibigay ang maginhawang buhay sa mga anak.” paliwanag ni Tonet.

Ang “Edna” ay magkakaroon ng eksklusibong screening sa UP Los Banos, April 30; Instituto Cervantes de Manila sa May 9; at UP Diliman Film Center, May 18. Pwede ring mapanood ang trailer sa https://www.facebook.com/Edna.Film2014.

Read more...