Pauleen emosyonal sa b-day message kay Vic: God Bless You! I Love You!

vic sotto

SIGURADONG tameme ngayon ang mga detractors at bashers nina Vic Sotto at Pauleen Luna. E, kasi nga, mukhang hindi sila nagtagumpay sa balak nilang sirain ang relasyon ng dalawang host ng Eat Bulaga.

Tila mas lalo pa ngang tumibay ang pagsasama ng magdyowa sa gitna ng pangnenega sa kanila ng ilang netizens. Patunay dito ang patuloy na pagpo-post ng sweet messages ni Poleng para kay Bossing sa kanyang social media accounts.

In fairness, ang daming kinilig sa latest post niya sa Instagram kung saan binati niya ng happy birthday ang kanyang boyfriend na isa nang senior citizen ngayon. Very open na ngayon ang TV host-actress sa kanyang feelings para kay Vic.

Isang picture nila ni Bossing ang ipinost niya sa IG, dito niya sinabi na hindi lang niya boyfriend ang veteran comedian kundi, “very best friend” din niya at ito rin daw ang kanyang “deepest love.”

“To my very best friend, my deepest love, may God bless you abundantly with blessings that no man can buy. From the bottom of my very happy heart, I love you! Happy Birthday,” mensahe ni Poleng.

Halos 34 years ang agwat ng edad ni Bossing kay Pauleen, pero sabi nga nila, numero lang ang mga ito, ang mahalaga ay ang tunay na pagmamahal nila para sa isa’t isa.

Sa isang panayam kay Poleng sinabi rin nito na nakikita na niya ang kanyang sarili na kasama si Vic nang pangmatagalan.

Read more...