Milyones nina Jinggoy, Bong saan itinago?

BARYA na lamang ang inabutan ng Sheriff and Security Services sa mga bank accounts nina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla Jr.

Ayon sa prosekusyon P183 milyon ang natanggap na kickback o komisyon ni Estrada mula sa mga non-government organization ng inaakusahang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.

Si Revilla ay kumita naman umano ng P224 mil-yon, ang pinakamalaki sa tatlong senador na kinasuhan kaugnay ng pork barrel fund scam. Ang isa pa ay si Sen. Juan Ponce Enrile na tumanggap umano ng P172 milyon.

Ang kickback ay nakuha umano nila mula sa non-government organization ni Napoles kung saan nila inilagay ang kanilang pork barrel fund aka. pera ng bayan.

Inaprubahan ng mga dibisyon ng Sandiganbayan ang hiling ng prosekusyon na magpalabas ng garnishment order upang masamsam ang mga ari-arian ni Revilla at Estrada.

Ang garnishment order ay inilalabas ng korte  upang matiyak na may mababawi ang gobyerno sa mga ninakaw na yaman sakaling mapatunayan na totoo ang ibinibintang na krimen —sa kasong ito, kung totoo na ibinulsa nila ang pera ng gobyerno.

Kung mapapatunayan naman na sila ay inosente, ibabalik naman ito sa kanila. Garantiya lamang ito na may mababawi ang gobyerno.

Ang kaso, halos wala nang inabutan ang sheriff ng korte sa mga bank accounts ni Revilla at Estrada. Wala pang garnishment order laban kay Enrile.

Ang inabutan na lamang sa 23 bank accounts ni Revilla ay P291,205.61 malayo sa nais masamsam na P224 mil-yon.

Kay Estrada naman P70,504.10 lamang ang nakuha sa kanyang MetroBank account. Hindi pa sumasagot ang iba pang bangko at umaasa ang prosekusyon na may maabutan pa roon.

Hindi kapani-paniwala na walang pera ang dalawa. Maraming saksi sa kanilang mga yaman. Hindi naman din maitatanggi na mula sila sa mayamang pamilya na nagpapatuloy na yumayaman (kung papaano lumalago ang kaban ay ibang usapan na).

Makikita sa inihain nilang Statement of Assets, Liabilities and Networth na hindi sila mga small-time millionaire dahil daang milyon ang kanilang yaman.

Sa kanilang SALN noong 2013, inilagay ni Estrada na siya ay mayroong P195 milyong net worth (P216.1 milyong asset – P21 milyong liabilities).

Mas mahirap naman sa kanya si Revilla na may P249.3 milyong assets at P166.7 milyong liabilities.

Si Estrada ang ika-apat na pinakamayamang senador noong 2013 at panglima naman si Revilla.

Kaya tanong ng mga nasa Sheriff’s Office, saan kaya nila itinago ang kanilang yaman.

Marami na ang nag-aabang kung sino ang ipantatapat ng administrasyon kay Vice President Jejomar Binay sa 2016 elections.

Kung ang ieendorso ni Pangulong Aquino ay si Interior Sec. Mar Roxas na kaalyado niya at kasama sa Liberal Party, may laban kaya siya kay Binay?

Bahagi na ng kasaysayan ang pagkapanalo ni Binay sa pagkabise presidente laban kay Roxas noong 2010 elections. Ito ang una nilang pagtatapat.

Ang sabi noon, hindi nanalo si Roxas dahil hindi siya mukhang mahirap ka-tulad ni Binay— na mahirap dati na mayaman na ngayon matapos ang mahabang panahon ng panunungkulan sa gobyerno.

Ngayon si Binay ay pi-nupukol ng maraming alegasyon ng pangungurakot mula noong siya pa ang mayor ng Makati at bago niya ipinasa sa kanyang anak. Pati ang kanyang asawa at mga anak ay nadamay pa sa alegasyon ng korupsyon.

Kaya kung sila ang magtatapat, ang magiging tema raw ng laban ay dating mayaman versus nagpayaman.

Sa mga survey, luma-labas na si Binay pa rin ang nangunguna maging Social Weather Station man o Pulse Asia.

Pero kung susuriing mabuti, hindi umaabot boboto kay Binay ang kahalati o 50 porsyento ng mga natanong. Kaya kung magsasama-sama ang makakalaban niya, mahihirapan si Binay.

Read more...