JOEY DE LEON pabor sa same sex marriage, pero may kundisyon

Malungkot daw ang showbiz pag walang mga bading

MISMONG si Joey de Leon na ang nagsabi na napakalaki ng contribution ng third sex sa entertainment industry – ‘yan daw ang hindi pwedeng kuwestiyunin ng kahit sino dahil malungkot daw ang showbiz kung wala ang mga bading.

Nakachika ng ilang press ang Pambansang Henyo pagkatapos ng pilot telecast ng bagong game show ng TV5 ang Game N’ Go nu’ng Linggo, at ayon nga sa kanya, hindi na matatawaran ang galing ng mga bading pagdating sa iba’t ibang larangan, lalo na sa showbiz.

“Wala, e. Alam mo kasi ‘yung gayship, napakalaking bagay niyan lalo na sa daigdig ng entertainment.

Alisin mo yung gayship sa entertainment, napakalungkot ng ano natin.

So hindi na pinag-uusapan yan, given na ‘yan,” pahayag ni Joey na super nag-enjoy talaga sa launching ng Game ‘N Go, along with his co-hosts Edu Manzano, Gelli de Belen, Arnell Ignacio and Shalani Soledad.Tungkol naman sa same sex marriage, hindi na raw ito makokontrol dahil noon pa naman daw ay may gumagawa na nito, pero hindi raw pabor si Joey sa term na same sex marriage.

“Yung take ko sa same sex, ayoko lang ng term na ‘marriage.’ Meron akong pinalit diyan e.

Sinulat ko na yan, pero hindi pa nalalathala.

Ang word na gusto ko, ‘compact.’ ‘Same-sex compact.’ Parang ‘blood compact.’

“Mas bagay ‘yung ‘compact’, e. Yun din yun e.

Basta yun ang word. Kasi, marriage, nauna na sila sa ganu’n e, pabayaan mo na.

Pero yun pa rin, union pa rin ng dalawang taong nagkakaintindihan,” paliwanag ng TV host-comedian.

Dagdag hirit pa nito, “Marami ngang nakatago hanggang ngayon e.

Pero hindi mo na malalaman.

Kayo, hindi rin kayo sigurado sa akin, di ba?

Hindi na pinag-uusapan ngayon ‘yung ganyan.”

Read more...