Retiradong guro nanalo ng P33.4M jackpot sa Megalotto 6/45

Megalotto 6-45

Isang retiradong guro na walang anak ang nanalo ng P33.4 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na binola noong Abril 17.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya ng P20. Ang nakuha niyang numero ay 04-05-13-16-30-39, na kinuha niya sa kaarawan ng kanyang pamilya.
Ang nanalo ay babae, 69-taong gulang at mayroong asawa. Siya ay taga-Cavite.
May 15 taon na umano siyang tumataya sa lotto.
Bilang pasasalamat, magbibigay siya ng donasyon sa charity organizations. Magtatayo siya ng sariling negosyo at tutulungan ang kanyang mga kapatid

Read more...