Last minute miracle para kay Mary Jane Veloso

ORAS na lang ang binibilang at tuloy na ang pagbitay sa pamamagitan ng firing squad kay Mary Jane Veloso.

Sakabila nito ay patuloy pa rin ang pagdarasal ng pamilya, kaibigan at iba’t ibang grupo sa loob at labas ng bansa para sa last minute na milagro para maisalba ang buhay ng Pinay na kondenado.

Ayon sa kampamilya ni Veloso masyadong masakit para sa kanila ang nangyayaring pagbibilang nila ng oras bago bitayin ang kanilang kaanak.  Gayunman umaasa pa rin sila sa last minute clemency na maaaring ibigay ni Indonesian President Joko Widodo.

READ NEXT
Gone fishing
Read more...