Marian pumayag nang makatrabaho ni Dingdong si Carla

marian rivera

Ang multi-talented Kapuso actress na si Carla Abellana ang panibagong karakter na mapapanood sa primetime drama series na Pari ‘Koy. Kwento ng aktres, “I play the role of Michelle Angeles.

Taga-probinsya siya, pinalaki siya ng lola niya. Isa siyang teacher, nakapag-aral ng Education at nabigyan siya ng grant sa US. At this point in time, mayroon na siyang boyfriend, si Jude who is played by Gabby Eigenmann.”

Excited na ang Kapuso leading lady dahil bukod sa makakatrabaho niyang muli si Direk Maryo J. Delos Reyes na una niyang nakasama sa remake ng Mexican telenovela na Rosalinda, ay first time raw niyang makakasama sa isang soap ang Primetime King na si Dingdong Dantes.

“It’s my first time to work with Dong. I worked with him before pero kadalasan sa hosting. It’s exciting, looking forward ako kasi sa six years ko rin sa showbiz ngayon lang kami magkakatrabaho.

Abangan n’yo ‘yung mga magiging eksena namin,” sey pa ni Carla. Ibig sabihin nito, wala na talagang isyu sa pagitan nila ni Marian Rivera.

Bagamat ang karakter ni Carla ay girlfriend ni Jude (Gabby), naitanong sa aktres kung may magiging koneksyon ba siya sa buhay ni Father Kokoy (Dingdong). “Yun ang abangan nila, kung ano ang magiging connection ni Michelle kay Father Kokoy.

Like everybody else in the story, may past din kasi si Michelle,” sagot ng aktres. Abangan ang pagdating ni Carla sa Pari ‘Koy na mapapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Read more...