NAGLABAS ng kanyang saloobin si Sofia Andres sa kanyang Instagram account tungkol sa kanila ni Inigo Pascual. Hindi na raw kasi nagkikita at nagkakausap ang dating magka-MU (mutual understanding).
Matatandaang inamin nina Inigo at Sofia sa presscon ng “Relaks, It’s Just Pag-Ibig” at sa ilang interview nila na may nararamdaman sila para sa isa’t isa pero wala pa silang pormal na relasyon, ngunit nang tanungin namin kung may mutual understanding na nga sila ay pareho silang sumagot ng “oo”.
Noong Linggo, Abril 26 ay nag-post si Sofia na wala na silang komunikasyon ni Inigo, nais niya ring klaruhin ang ilang mga balitang naglalabasan tungkol sa kanila ng binatilyo.
“We’re okay. We’re still friends, pero hindi na kami nag-uusap kasi hindi na kami nagkikita, eh. Kasi busy din siya so parang wala ng time.
“After the movie (Relaks It’s Just Pag-ibig) kasi, we both tried to help each other kung paano kami magco-communicate kasi after that nasa Baguio na ako and siya nagte-taping na for ‘Para Sa Hopeless Romantic.’
“Parang I noticed na siyempre kapag hindi na nagkikita, parang it’s going to be different kasi wala nang pinag-uusapan, wala nang pinagsasamahan. Hindi na katulad ng dati kasi magka-work kami before and lagi kaming magkasama.
“It’s sad at the same time kasi hindi naman talaga biro yun eh, yung ilang years of friendship na sabay naming natutunan kasi sabay kaming pumasok sa showbiz. That’s life.
“Yung Sofia-Inigo fans, I tweeted yesterday na parang, ‘You just have to accept that we have different paths now.’ Kasi honestly parang nakakahiya du’n sa new loveteam niya,” sabi pa ng dalaga na ang tinutukoy nga ay si Julia Barretto.
“Pinapa-trend kasi nila ‘yung Sofia-Inigo project so I tell them that they have to move on from the past. Some are okay with it pero na-heartbroken sila kasi parang I gave up na raw.
“Hindi naman. Kasi yung expectations nila it makes me feel so sad kasi kawawa naman yung mga fans na nag-e-expect,” dagdag pa ni Sofia.
Isa kami sa nalungkot dahil botong-boto kami kina Inigo at Sofia, pero kailangan nilang magsakripisyo dahil may trabaho silang dapat unahin.
Si Enchong Dee ang magiging kapartner ni Sofia sa Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito na kasalukuyan nang sinu-shoot ngayon dahil malapit na itong umere.
Ito ang papalit sa Yamishitas’ Treasures nina Coco Martin at Julia Montes. Samantala, magkakasama naman sina Inigo at Julia sa seryeng And I Love You So kasama si Miles Ocampo mula pa rin sa Dreamscape Entertainment.