Korona ni Ai Ai hindi pwedeng agawin nina Uge at Pokwang

pokwang

Nakakapanibago lang dahil nasa GMA 7 na ang isa sa pinakamamahal naming komedyanang si Ms. Ai Ai delas Alas. Yes, in fairness to her, she is still the undisputed Comedy Concert Queen at wala nang makakaagaw ng titulong ito sa kaniya.

She has earned this through the years – not even Eugene Domingo or Pokwang can steal that away from her.Kahit love ko rin itong si Pokie, she is much, much behind Ai Ai – kahit sa pagbato ng jokes –

iba ang tapon ng isang Ai Ai delas Alas. Si Eugene naman ay hindi concert artist – sa comedy lang siya either sa TV or movies winner pero sa kantahan, hindi niya linya. Kaya solo pa rin talaga ni Ai Ai ang koronang ito.

Anyway, sad lang kami in a way dahil hindi na namin masyadong madadalaw si Ai Ai dahil taga-kabilang network na siya. As if naman nakakadalaw kami sa set niya when she was still with ABS-CBN. Ha-hahaha!

Pero iba pa rin kasi kung nasa pareho kayong bakuran, di ba? Psychological kumbaga – parang kampante ka that if everytime na gusto mong sumilip sa kaniya ay wala kang masyadong iisipin. Basta! Alam niyo na iyon.

Di bale, the most that we can do is support pa rin Ai Ai kahit nasa kabilang bakod na siya. Panoorin natin ang mga shows niya roon – iyan ang magiging pinakamalaking tulong na puwede nating ibigay sa isang kaibigan na sobrang bait at sobrang ganda.

Ayan Ai ha – sinabi ko talagang sobra kang GANDA! Pag merong umapela, pumunta na lang kayo sa barangay. Ha-hahaha! Labyu, Ai Ai.

Read more...