Rico J. Puno 7-oras inoperahan sa puso, nagre-recover na

 

PITONG oras ang itinagal ng heart surgery sa Pinoy pop music icon na si Rico J. Puno.

Kasalukuyang nagrerecover na si Puno matapos ang kanyang operasyon sa Asian Hospital and Medical Center (AHMC) sa Alabang, Muntinlupa City, ayon sa kanyang anak na si Tosca.

Si Puno, 62, ay inilipat sa AHMC mula sa Makati Medical Center para doon operahan.

Unang dinala ang legendary performer at recording artist, sa MMC matapos dumaing na siya ay nahihirapan sa paghinga habang nagte-taping ng episode  ng “Home Sweet Home” , isang TV series sa  ABS-CBN, kung saan siya ay regular na cast.

 

Read more...