Ruru Madrid bawal ma-in love kay Gabbi Garcia dahil sa relihiyon

ruru madrid

May problema pala kung sakaling maging seryoso na sa lovelife ang magka-loveteam na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia – at ito ay ang usaping relihiyon.

Active member pala ng Iglesia Ni Cristo si Ruru at Katoliko naman si Gabbi. Kaya sa presscon ng serye nilang Let The Love Begin sa GMA na magsisimula na sa May 4 pagkatapos ng Pari ‘Koy, tinanong ang binata kung ano ang pipiliin niya – religion o pag-ibig?

“Sa ngayon po ako, religion po talaga, malinaw po sa akin ‘yun, sobrang active po ako pagdating po sa INC, alam ko na mali po talaga,” sey ng binata.

Kaya raw hangga’t maaari ay pinipigilan niya ang kanyang damdamin para kay Gabbi, kailangan daw kontrolin niya ang kanyang puso.

Pero ipagdarasal daw niya na kapag dumating na ang tamang panahon para sa kanila ni Gabbi ay magpa-convert ito sa INC.

Read more...