Operasyon sa puso ni Rico J Puno di natuloy

rico j puno

Hindi natuloy ang bypass surgery ng veteran singer na si Rico J Puno kahapon ng umaga.

Ayon sa manager ni Rico na si Norma Japitana, ipinagpaliban muna ang operasyon sa puso ni Rico J dahil isinailalim muna ito sa ilang series of medical test para maiwasan ang anumang kumplikasyon. Ngayong araw inaasahang sasailim sa operasyon si Rico.

Nauna rito, naglabas ng pahayag ang manager ni Rico na tagumpay ang operasyon ng singer ngunit agad naman niya itong itinama.

Kasabay nito, nakiusap muli ang pamilya ng beteranong singer na ipagdasal ang mabilis na paggaling nito at makayanan ang gagawing operasyon sa kanya ngayong araw.

Bago ang operasyon, na-confine muna si Rico sa ospital ng ilang araw, ito’y matapos nga siyang mahirapang huminga sa paghinga habang nagte-taping para sa sitcom na Home Sweetie Home ng ABS-CBN.

Nabatid na may “clogged aorta” ang singer at agad na nagpa-schedule para sa angiogram at aorta artery bypass operation.

Read more...