Bongga talaga ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, ha! As in sunud-sunod ang pagdalaw kay Pacman ng mga Hollywood superstar sa Amerika para bigyan siya ng moral support sa nalalapit na laban nila ni Floyd Mayweather.
Pagkatapos nga nina Sylvester Stallone at Mark Wahlberg, ang Hollywood action star namang si Keanu Reeves ang bumisita sa Pambansang Kamao.
Kahapon, proud na proud na ipinost nina Pacquiao at Jinkee ang mga litrato nila kasama si Keanu. Nilagyan pa nila ito ng caption na: “Thank you Keanu Reeves for visiting me and my wife Jinkee. God Bless you always!”
Nakilala si Keanu Reeves sa mga blockbuster international films na “Speed” kasama si Sandra Bullock at sa “The Matrix”.
MOST READ
LATEST STORIES