Subic Triathlon Cup lalarga ngayon

LALARGA ngayon ang dalawang araw na ASTC Asian Triathlon Cup 2015 na handog ng Speedo at Philippine Sports Commission sa Subic Bay Freeport Zone.

Ang mga maglalaban-laban ngayon ay sa Elite Junior, Age Group Junior, AG Adult Mini Sprint at Sprint Distance na magsisimula sa ganap na alas-6 ng umaga habang bukas ang lahat ng standard distance tulad ng Elite Open, Elite U23, Age Groups at Club Championship.

Inorganisa ng Triathlon Association of the Philippines at suportado rin ng New Balance, Standard Insurance, Gatorade, Century Tuna, Harbour Point, Ayala Malls, Asian Centre for Insulation at Subic Bay Metropolitan Authority, tanging sa elite sinahugan ng cash prizes na aabot sa P600,000 bukod pa sa dagdag na P10,000 sa kikilalanin bilang Century Tuna Male at Female Superbods awards.

Mangunguna sa mga sasalang ngayong umaga ay ang mga Batang Pinoy champions sa pangunguna nina Yuan Chiongbian ng Cebu at Nicole Eijansantos para sa mini-sprint habang si Jared Macalalad ang magdadala ng laban sa Junior Elite.

Susukat sa galing ng mga local triathletes ang mga dayuhan mula Japan, Australia, Uzbekistan, Chinese Taipei, Canada, Poland, Singapore at Hong Kong.

May basbas ang kompetisyon ng Asian Triathlon Confederation (ASTC) at International Triathlon Union habang tumulong din ang Subic Traveler’s Hotel, East West Building Technology, The Lighthouse Marina Resort, Seafood Island, Magaul Bird Park sa Jestcamp, OGIO, PTT, StatMed, Omega Pro, 2Go Express, Race Day, Kikay Runner, SBP.ph, Multisport, PinoyFitness.com, Travelife Magazine, Spin.ph at XPS TV.

Read more...