Indonesia ipinag-utos na ang pagbitay kay Veloso, 9 na iba pa

Ang armored car kung saan pinaniniwalaang nakasakay si Mary Jane Veloso

Ang armored car kung saan pinaniniwalaang nakasakay si Mary Jane Veloso

PORMAL nang ipinag-utos ng Indonesia ang pagbitay sa Pinay na si Mary Jane Veloso at siyam na iba pa na nasintensihan ng bitay dahil sa drug trafficking.
Ipinalabas noong Huwebes ng opisina ng Attorney General ang opisyal na sulat kung saan inaatasan nito ang mga prosecutor na ihanda na ang pagbitay sa 10 sa pamamagitan ng firing squad, ayon kay Tony Spontana, tagapagsalita ng Attorney General Office.
“The letter is dated April 23,” sabi ni Spontana.
Bukod kay Veloso, kabilang sa mga bibitayin ay tatlong Nigerian, dalawang Australian, tig-iisa mula sa Brazil, Ghana, France at Indonesia.
Sinabi ng mga prison officials na dinala si Veloso was kahapon ng umaga sa Nusakambangan island, kung saan isasagawa ang firing squad.
Kinumpirma ng opisina na isasagawa ang firing squad kapag tapos na ang 60th Asian-African Conference Commemoration na nagtapos noong Huwebes.

Read more...