IWA lalakero, sabay na dyinowa sina LEANDRO at PAMPI?

Huwag naman daw  siyang masyadong magmalinis

Jodi matalino kaya hindi raw papatol sa palengkera

PINO-PROVOKE talaga nitong si Iwa Moto si Jodi Sta. Maria pero malas lang niya dahil kahit ano pang paghahamon ang gawin niya ay hindi siya papatulan ni Jodi.

And I feel na tama lang ang ginagawang pananahimik ng magaling na aktres sa isyung ito sa kanila ni Iwa.

Kasi nga naman, bakit ka papatol sa isang katulad ni Iwa na wala nang ginawa kundi ang makipag-boyfriend at ma-link sa kung sinu-sinong lalaki at pagkatapos biglang magdadadakdak kapag nagkahiwalay na sila.

Sinasabi ni Iwa na si Jodi raw ang unang sumira sa relasyon nila ng ex-BF niyang si Mickey Ablan. Pinagsisigawan nitong habang sila pa raw ni Mickey noon ay biglang pumasok sa eksena si Jodi – nagkaroon daw ng affair ang dalawa.

That time kasi ay medyo problematic na ang marriage ni Jodi kay Pampi Lacson kung saan meron itong isang anak named Thirdy.

Sa totoo lang, aware kami sa isyung ito – about Jodi and Mickey. Kaibigan kasi ng family ni Mickey si Jodi kaya there are times that Jodi would be invited sa mga family affairs nina Mickey.

Alam naman ito ni Iwa kaya lang, di maalis kay Iwa ang magselos, that’s natural.

Kaya siguro nagalit ito kay Jodi dahil close nga ito kay Mickey and Jodi would sometimes ask for Mickey’s advise sa ilang marital problems niya.

Nang kausapin namin sina Mickey and Jodi regarding this issue, they both denied and we took their word for it.

But of course, hindi naman namin inaalis ang karapatan ni Iwa na magselos dahil it’s a normal behavior ng kahit sinong taong in love, di ba?

Pero pag sobra na, aba’y ibang usapan na iyon.

Kahit si late FPJ sinasabi dati na kapag puno na ang salop, dapat kalusin na, tama?

Anyway, naghiwalay nga sina Mickey and Iwa but definitely labas si Jodi doon.

Then, Iwa jumped into her next relationship, with Leandro Muñoz nga. Sina Jodi naman at Pampi ay tuluyan na ring nag-split.

Barely last month ay isasama sana ni Leandro si Iwa sa States para doon na raw sila mamumuhay.

Kaya lang, Iwa chose to stay dahil mas priority daw niya ang kanyang career kaysa sa kanyang lovelife.

And then, doon na lumabas ang isyu na magsyota na raw sina Pampi at Iwa.

Kaloka! Gusto raw kasing gantihan ni Iwa si Jodi kaya ang kinalantari nito ay ang estranged husband ng magaling na aktres.

Nagulat lang ako pero hindi kay Iwa, kay Pampi talaga ako nagtaka.

Bakit pinatulan niya si Iwa? Ang babaeng kagalit ng dati niyang asawa dyinowa niya?

Parang nagsanib-puwersa ngayon sina Iwa at Pampi laban kay Jodi.

Si Iwa ang lumalabas na emissary ni Pampi tungkol sa mga alegasyon diumano dati sa kanya ni Jodi, kabilang na ang diumano’y pambubugbog ni Pampi kay Jodi.

Hindi kasi kaya ni Pampi na magsalita in public sa totoong isyu kaya si Iwa na ang nagsasalita.

Ang feeling siguro ni Iwa ay mahal na mahal siya ni Pampi kaya sinasabi nito lahat ng mga sikreto nito sa kanya.

Hindi kaya nararamdaman ni Iwa na posibleng ginagamit lang siya ni Pampi para makaganti kay Jodi?

Kaya heto ngayon si Iwa, parang tigresang naghahamon ng away, at may drama pa siyang hawak niya ang mga ebidensiya laban kay Jodi.

Ilang beses at ilang araw na siyang talak nang talak pero sa kamalasan niya, walang Jodi na nagri-react.

Kaya the more na nagagalit si Iwa dahil sa sobrang pananahimik ni Jodi.

Kasi nga naman, tumatambling na ang hitad sa pang-aaway pero di siya pinapansin ng kanyang
enemy. Nakakaloka nga naman ang ganoon.

Matalino ang kaaway niya, hindi katulad niyang sandangkal lang yata ang utak.

Puro na lang isyu sa lalaki ang palaging napag-uusapan about her.

May tanong lang kami, sinasabi ni Iwa na two months na silang mag-on ni Pampi though matagal na silang friends.

Kung two months na sila, pinaaalala ko lang sa kanya that the last time we spoke to her regarding her supposed trip with Leandro Muñoz for the States was barely a month ago.

Paano nangyari iyon? Ibig bang sabihin, habang sila ni Leandro ay syota rin niya si Pampi? Lalakero ba ang tawag diyan?

Ngayon, kung merong masamang babae sa kanilang dalawa ni Jodi tulad ng pinagsisigawan niya, sino ‘yun?

Kung ako ang tatanungin, tama lang na huwag nang pumatol si Jodi dahil hindi sila magka-level.

Kumbaga, nasa business class na si Jodi sa isang flight, lilipat pa ba siya sa economy sa tabi ng comfort room?

Right decision na manahimik na lang si Jodi at hayaan na lang na magpuputak si Iwa.

Sino ngayon ang mukhang cheap sa mata ng tao, aber? Wawang Iwa, hindi nag-iisip.

Makapang-away lang, akala niya winner na siya. Poor girl.

Read more...