John Prats nagsayaw sa Ellen DeGeneres Show

JOHN PRATS AT ISABEL OLI

JOHN PRATS AT ISABEL OLI

Bongga si John Prats, ha! E, kasi nga, nabigyan siya ng chance to shine kahit sandali lang sa US program na The Ellen DeGeneres Show.

Napanood namin ang maikling video clip ni Pratty sa social media kung saan makikita ngang nagsasayaw ang aktor sa stage ng talkshow ni Ellen Degeneres.

Ayon kay John, ang fiance niyang si Isabel Oli ang unang nakapanood nito sa YouTube at agad na ipinost sa Twitter ang screengrab ng dancing moves ng kanyang future husband, with the hashtag “kilig.”

Sey naman ni Pratty sa kanyang IG account, “Share ko lang #ProudMoment #Ellenshow @theellenshow thank you @missisabeloli sa video 🙂 thank you din @iamangelicap!”

Pumunta ng Amerika ang magdyowa noong Enero at maswerteng nakapanood ng isang episode ng show ni Ellen.

Nakatakdang ikasal sina John at Isabel sa May.

Read more...