Naghahanap ng girlfriend?

Sulat mula kay John Paul ng Subang,

Mandaue City, Cebu
Dear Sir Greenfield,

Tawagin nyo na lang akong Jayson at sa darating na May 16 ay 28 na ang edad ko pero until now hindi pa rin ako nakapag-girlfriend ni minsan. May trabaho naman ako sa ngayon bilang accountant sa isang accounting firm at okey naman ang income ko, ang problema ko na lang sa ngayon ay kung paano magkaka-girlfriend, kasi may mga girlfriend at asawa na po ang iba kong mga kaibigan at kabarkda. Kaya naisipan kong sumanggunio sa inyo kasi po gusto ko na pong magka-girlfriend at mag-asawa. Sana masagot nyo ang tanong ko kung kailan ako makakahanap ng girlfriend at makapag-aasawa? May 16, 1987 ang birthday ko.

Umaasa,
John Paul ng Mandaue City, Cebu
Solusyon/Analysis:

Palmistry:

May malinaw at kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kahit na 28 years old ka na sa kasalukuyan, hindi ka dapat mag-alala, dahil tiyak na magkaka-girlfriend ka at ang babaing magiging girlfriend mo ay nakatakdang dumating sa taon ding ito ng 2015 sa edad mong 28 pataas.
Cartomancy:

Tulad ng nasabi na matutupad ang pangarap mong magka-girlfriend sa taong ding ito ng 2015, ayon sa Nine of Hearts, Five of Clubs at Six of Hearts (Illustration 1.), nagsasabing sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo, isang babaing halos kasing edad mo rin ang darating at kasabay ng pamumulaklak ng mga halaman sa kapaligiran, mabilis na mabubuo ang inyong matamis at masayang pagmamahalan.

Itutuloy…

Read more...