Grabe, pero parang box-office din ang pagdagsa ng mga Twitter and Facebook messages sa amin simula ng itsika namin ang naobserbahan naming kakaibang sweetness nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang makantiyawan kaming mag-guest sa top-rating soap nilang Princess And I last Tuesday.
Naipalabas na noong Wednesday and Thursday ang aming guesting at dahil naitsika namin yun sa Twitter kasabay ng mga kuwento namin about the cast members lalo na kina Kathryn at Daniel, isama na rin sina Enrique Gil at Khalil Ramos, hayun, as in talbog sa amin si Lola Basyang! Ha-hahaha!
Napansin ko talaga na every after take namin during our almost five hours taping (nag-emcee ako sa Mrs. Palengke portion ng soap) e, laging nakagwardiya si Daniel kay Kathryn.
Never naming nakita na nakausap ng dalagita sinuman kina Khalil o Enrique nang gaya ng kay Daniel.
Aakalain mo ngang noon lang sila nagkakilala dahil ang tagal-tagal nilang mag-usap sa isang sulok.
Kung tama ang pagbasa namin, more than friends na siguro sila dahil sa kanilang body language.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.