WALANG dapat ipangamba ang mga atleta, opisyales at mga bisita na tutungo sa Davao del Norte para sa Palarong Pambansa kung seguridad ang pag-uusapan.
Mismong si Davao Mayor Rodrigo Duterte na siya ring Regional Peace and Order Council 11 (RPOC-11) chairman ang nagtiyak nito matapos ang isinagawang pagpupulong ng RPOC-11.
“I expect nothing but I am prepared for everything,” wika ni Duterte.
Nangako pa si Duterte na magpapadala rin siya ng tao para tumulong sa aspetong seguridad at medikal bukod sa naunang ipinangakong P1 million financial sponsorship para matiyak na magiging matagumpay ang kauna-unahang hosting ng Davao Del Norte ng Palarong Pambansa.
Pinasalamatan ni Governor Rodolfo del Rosario ang pagtulong ni Duterte para mabawasan ang anumang alalahanin sa hanap na matagumpay na hosting.
“I am personally at ease that we will be able to provide unparalleled safety to everyone. With the backing of the whole Davao Region, there is no reason for us to fail,” pahayag ni Duterte.
Ang Davao del Norte Sports and Tourism Complex sa Tagum City ang main venue ng Palaro mula Mayo 3 hanggang 9 habang tumutulong din ang Tagum Agricultural Development Company Inc. (TADECO), Damosa Land, Davao Packaging Corporation (DPC), Davao International Container Terminal, Inc. (DICT) at Pearl Farm Beach Resort.