Georgina Wilson sirang-sira matapos bastusin ang manager

georgina wilsom

Now that her manager dropped her like a hot potato, naglabasan ang masasamang balita about Georgina Wilson.

Naloka kami nang mabasa namin na may insecurity yata ang hitad sa friends niyang sina Solenn Heussaff at Isabelle Daza. In one photo shoot for a giant billboard ay gusto raw nitong siya ang nasa gitna.

Originally, si Isabelle raw pala ang nasa gitna ng billboard. Pero nang makausap daw ni Georgina ang project head ay biglang nabago ang konsepto, siya na ang nasa gitna.

Super imbiyerna rin daw ang isang editor and publisher dahil sa pang-iindiyan ni Georgina sa party na ibinigay sa kanya. To make her celebration a very festive affair, super invite ang publisher-editor ng mga society figures, models, friend na close kay Georgina.

To her chagrin, hindi umapir ang dalaga. Hiyang-hiya raw ang nag-invite sa party.  Imagine, may party para sa kanya pero wala siya, anong klaseng celebrant nga naman ang ganoon.

Siya na nga ang binigyan ng party inisnab pa niya. Meron palang taong ganoon, ‘no? Clearly, ang sama-sama ngayon ng image ni Georgina. Any comment, girl?

Read more...