Dionisia dadasalan si Mayweather

Pacquiao at Mommy Dionisia

Pacquiao at Mommy Dionisia

PLANO ni Dionisia Pacquiao, ina ni boxing champ Manny Pacquiao, na ipagtirik ng kandila si Floyd Mayweather Jr. sa laban ng dalawang boksingero sa Las Vegas sa Mayo 3.
Ayon kay Dionisia, magsisindi siya ng kandila sa loob mismo ng MGM Grand sa Las Vegas sa pagsisimula ng laban ng kanyang anak kay Mayweather.
“Ang prayer tahimik lang,” ani Dionisia sa panayam ng mga reporter sa isang Thai restaurant malapit sa Wild Card Boxing Gym.
Idinagdag ni Mommy D, palayaw ni Dionisia, na bagamat manonood siya nang live sa laban ng anak, hindi nangangahulugan na hindi siya maghahanda para sa laban ni Pacquiao.
“Mga santo, dala ko, larawan ng birhen. Kasi ang Mama Mary ang nag-gabay sa akin. May dala-dala akong kandila para sa actual at malapit na laban,” dagdag niya.
Matatandaang naging viral si Mommy D matapos ang laban ni Pacquiao kay Timothy Bradley noong isang taon kung saan makikita sa kamera na dinadasalan niya ang huli.
Ayon pa kay Mommy D, hindi na siya takot manood ng laban ng kanyang anak.
“Nanibago pa ako noon. Wala pa akong napanood na laban niya na personal. [Now], masaya ako na ang anak ko ma-nalo live,” sabi ni G. Pacquiao.
Bago magpaunlak ng panayam, sinabi ni Mommy D na kakain muna siya. “Mamaya na lang pagkatapos kumain,” sabi niya sa isang lalaki na nais magpalitrato sa kanya.
May sarili ring mga bodyguard si Mommy D dahil na rin sa dami ng gustong magpalitrato sa kanya.
Nang tanungin siya kung ano ang pakiramdam na siya ay may mga tagahanga na, kaswal niyang sinabi na “Noon pa ‘yan.” —

Read more...