Hindi malimot si Ex | Bandera

Hindi malimot si Ex

Pher Mendoza - April 22, 2015 - 03:00 AM

DEAR Manang,

AKO po si Jemelyn, taga-Roxas City po. May BF po ako ngayon, pero kapag nakikita ko ang ex-boyfriend ko ay naaalala ko po lahat ng pinagsamahan namin.

Pagkatapos, hindi ko na po siya maalis sa isip ko. Ano po ang gagawin ko, manang?
Jemelyn ng
Roxas City

Jemelyn, normal lang naman na maalala mo ang past ninyo ni ex kapag nakikita mo siya. May history kayo, may pinagdaanan.

Ang tanong, bakit hindi mo siya maalis sa isip mo gayong may bagong BF ka na? Mahal mo ba talaga si new BF o mahal mo pa rin si ex? Ikaw ang makakasagot niyan iha… Kung hindi mo na mahal si ex at wala ka nang nararamdaman sa kanya, hindi ba dapat walang effect sa iyo kahit makita mo siya? Don’t do anything about it.

May dahilan naman siguro kung bakit kayo naghiwalay ‘di ba? Think why you split in the first place… May BF ka na so I think you’ve moved on na, right? It’s best to leave the past behind.
Ang payo ng tropa

Hi Jemelyn. Wala namang masama kapag nakikita mo ang ex-BF mo at naalala mo yung magagandang pinagsamahan nyo. Maganda nga ba?

Bakit hindi mo siya maalis sa isipan mo kapag nakikita mo siya? Baka meron ka pang ring nararamdam sa kanya. Kung meron man, aba e dedmahin mo na ‘yung feelings mo, maguguluhan ka lang at magkakasala ka pa sa present BF mo.

Marami namang paraan para makaiwas ka sa ex-BF mo kung gugustuhin mo rin.
Focus ka muna ngayon sa new BF mo at i-enjoy n’yo lang ang nasimulan ninyong relasyon.

Palaguin din ang love and respect for each other. I’m sure naman na mahal mo ngayon ang bagong BF mo kaya sinagot mo siya di ba?

Ate Jenny B.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending