GOOD day ActionLine , gusto ko lang po sa na malaman sa SSS kung qualified na akong mag-loan? Pwede po bang malaman agad kung ilan na ang nahuhulog ko sa SSS. Sa tingin ko po kasi ay may three years na po akong naghuhulog.
Eto po SSS number ko …56-7. Sinubukan ko po kasing gumawa ng account online kaso di po nagpupush through. Ask ko lang sana kung qualified na akong makapag-loan sa SSS. Sana marami pa po kayo matulungan. God bless.
Salamat po ng marami
Charles Romyer
De Lara
REPLY: Ito ay kaugnay sa katanungan ni G. Charles de Lara kung siya ba ay kwalipikado na para sa salary loan.
Base sa aming rekord, hindi pa kwalipikado si G de Lara para sa salary loan. Habang ginagawa ang sulat na ito, siya ay mayroon lamang 18 buwan na kontribusyon.
Ang salary loan ay isang pribelehiyo na ipinagkakaloob ng SSS sa mga miyembro nito. Ang halaga ng salary loan ay naka-base sa monthly salary credit o buwanang sahod ng isang miyembro.
Para mag-qualify sa isang buwan na salary loan ay kailangan ay may 36 buwan na hulog ang isang miyembro at 72 kontribusyon naman para sa dalawang buwan na salary loan.
Hinggil naman sa pagrehistro sa SSS Website, maaaring magtungo sa pinakamalapit na SSS branch at magrehistro gamit ang mga E-centers. May mga empleyado rin ang bawat branch na maaaring tumulong sa aming mga miyembro upang makapagrehistro sa SSS website.
Para sa iba pang katanungan tungkol sa pagrehistro at paggamit ng SSS website, maaaring magtungo sa aming service delivery department na matatagpuan sa 7th Floor, SSS Main Office, East Avenue Diliman, Quezon City o tumawag sa numerong 920-6401 local 6091 hanggang 6095, 6082, 6066 at 5240.
Salamat sa patuloy na pagtitiwala sa SSS at nawa ay nasagot namin ang katangungan ni G de Lara.
Sumasa inyo.
May Rose DL
Francisco Social Security Officer IV SSS Media Affairs Department
9247295/9206401 loc 5053 Noted:
Ma. Luisa P Sebastian Department Manager III Media Affairs Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.