Gusto uling mag-Japan (2) | Bandera

Gusto uling mag-Japan (2)

Joseph Greenfield - April 22, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Laarnie Bagolatao, Minalabac, Camarines Sur

Problema:

1. Dati na akong nag-Japan at nakapagtrabaho ako doon sa isang factory. Kaya lang umuwi ako kasi na-expired ang visa ko. Sa ngayon ay balak kong bumalik uli sa tulong ng aking bayaw na isang Hapon. Kaya lang ay mag iisang taon na akong nag-aayos ng papeles hanggang ngayon di pa rin ako nakakakuha ng visa.

2. Itatanong ko lang kung may pag-asa pa kaya akong makabalik ng Japan at muling magkaroon ng magandang trabaho doon? April 10, 1987 ang birthday ko.

Umaasa,
Laarnie ng Camarines Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing kung ang bayaw mong Hapon na tumutulong sa iyo ay isinilang sa zodiac sign na Sagittarius o kaya ay Leo, tiyak ang magaganap —matutulungan ka niya upang sa taon ding ito ng 2015 muli kang makabalik sa Japan.

Numerology:

Ang birth date mong 10 ay nagsasabing sa sandaling nakabalik ka uli sa Japan bilang pangalawang beses ay tuloy-tuloy na uli—lagi ka nang makakapag-Japan hanggang sa tulad ng iyong ate ay makapag-aasawa ka na rin ng isang Hapon hanggang sa tuloy-tuloy na ring yumaman.

Graphology:

Upang magtuloy-tuloy pang lalo ang suwerte at magandang kapalaran, habaan mo ang krokes ng letrang “t” sa iyong pirma. Sa mahabang krokes ng letrang “t” ay tuloy-tuloy ka nang magtatagumpay sa larangan ng salapi. Magkakaroon ka rin ng isang maligaya, maunlad at panghabambuhay na pamilya.

Huling payo at paalala:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Laarnie, ayon iyong kapalaran ay ituloy mo lang ang layunin mo na muling makabalik ng Japan dahil sa taong ito, sa buwan ng Agosto o kaya ay Setyembre sa edad mong 28 pataas, ay matutupad na ang matagal mong hinihintay at pinapangarap. Sa ikalawang pagkakakataon, isang mas produktibo at mas masaganang pagdya-Japan ang mararanasan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending