Horoscope, April 22, 2015 | Bandera

Horoscope, April 22, 2015

Madam Sophia - April 22, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Huwag magpasulsol sa iba! Sa mga bagay na pagkakaperahan, ikaw ang dapat mangasiwa upang hindi ka nila maloko at maisahan, Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipagrelasyon sa isang Capricorn. Mapalad ang 4, 16, 26, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raga-Kashta-Om.” Old rose at magenta ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Pagkakataon n’yo nang yumaman! Sa pinansyal at pag-ibig, kumbinsihin ang kasuyo na simulan na ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa pagtutulungan ninyong dalawa, sigurado na ang pagyaman. Mapalad ang 6, 15, 27, 36, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Red at purple ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Malaking suwerte ang darating! Dambuhalang halaga ng salapi ang bigla mong mahahawakan; huwag mo na itong bitiwan pa upang hindi na maubos. Sa pag-ibig, isang kakalat-kalat na Virgo ang agad na makakarelasyon! Mapalad ang 1, 4, 14, 19, 28, 40. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Dabra.” Yellow at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Wag ilihim ang iyong nadarama, lalo ka lang mahihirapan. Ibulalas ang lihim na pagsinta sa isang Aquarius. Sa pinansiyal, singilin ang mga kaibigang may mga pagkakautang dahil kung hindi sila sisingilin, hindi talaga sila magbabayad. Mapalad ang 5, 13, 22, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Una-Salus-Una-Aum.” Lilac at violet ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Mamayang gabi ay wag kakalimutang magdasal at pagkatapos humiling ka kay Lord. Paglipas ng pitong araw, ang iyong hiniling ay tiyak na matutupad. Mapalad ang numero ng water na siya ring kaakibat ng planetang Moon, 2, 7, 20, 25, 29, at 38. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Adonai-Om-Shaddai.” White at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Dahil sa sobrang makasarili ay mawawala isa-isa ang mga kaibigan. Aanihin mo ang limpak-limpak na salapi kung tatawagin ka naman nilang “walang pakisama?” Sa pag-ibig, kahit ano ang mangyari ay may kaisa-isa ka pa ring kakampi – ang kasuyo mong ogag! Mapalad ang 5, 17, 24, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nulli-Secunda-Om.” Black at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Minsan, dapat mo ring pagbigyan ang mga nangungutang kesa sa tawagin ka nilang kuripot at makunat. Sa pag-ibig, ilibre ng halo-halo ang minamahal kahit na ‘yung mabibili sa kanto. Mapalad ang 4, 8, 17, 25, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatna-Mandala-Om”. Blue at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—May magte-text, may hatid na magandang balita. Pinapakuha na sa iyo ang pera na matagal mo ng hinihintay! Sa pag-ibig, kunwari lang na nagseselos ang kasuyo pero ang totoo ay mahal na mahal ka niya. Mapalad ang 1, 5, 14, 23, 28 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Aspera-Om-Astra.” Red at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pinansyal at pag-ibig, pagsapit na pagsapit ng buwan ng Mayo ay magugulat ka, papabor na uli sa iyo ang mga pangyayari at mabuting kapalaran. Lagi mo lang bigkasin ang mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Pink at brown ang buenas. Mapalad ang 4, 15, 24, 33, 42 at 47.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa negosyo, hindi ka dapat panghinaan ng loob basta’t sumugod ka lang nang sumugod— yayaman ka! Sa pag-ibig, may isang Aries na lihim na nagkakagusto sa iyo, sa sandaling siya ay nagpakilala, sunggaban agad! Mapalad ang 2, 11, 28, 32, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghaya-Tri-Aum.” Lilac at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Walang mangyayari sa buhay kung maghihintay lang ng suwerte! Simulan na ang negosyong may kaugnayan sa tindahan. Sa pag-ibig, hanapin ang kasuyong may birth date na 5, 14 o kaya ay 23 – siya ang magbigay sa iyo ng pagyaman. Mapalad ang 8, 12, 15, 28, 33, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jaya-Ritum-Om.” Red at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Iwasang magtanim ng galit! Sa pagpapatawad at muling pakikipagkasundo ay mas malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, pagpasensyahan ang kasuyong makulit, darating ang araw magbabago din siya. Mapalad ang 2, 7, 16, 20, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om Savitre.” White at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Panatiliin ang pagiging matuwid! Hangga’t hindi ka gumagawa ng mali, patuloy na lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, may tuksong darating mula sa isang mapang-akit na Libra, iwasan mo siya bago mahuli ang lahat. Mapalad ang 7, 11, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiri-Mantra-Om.” Pink at beige ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending