Xian tinarayan ang mga basher

kim chiu

HANDA na nga bang umamin sina Xian Lim at Kim Chiu sa kanilang relasyon?

Naging mainit na topic sa social media ang naging emosyonal na birthday message ng hunk actor kay Kim na nag-celebrate nga ng kanyang ika-25 kaarawan noon April 12.

Sa kanyang Instagram account idinaan ni Xian ang kanyang mensahe para kay Kim with matching collage pa ng kanilang mga litrato.“From our first time on screen together, and our first pic outside of work…

So much has changed. From being a stranger from all the way across the world, you became someone I can trust, someone who will be there by my side, fighting and conquering battles of everyday life.

“From a small scene, to a song, then became a movie. From a page, we became a chapter then a book. From 3 people holding a banner sa mga mall shows natin to supporters sa ibat ibang sulok ng mundo.

From strangers, we became family,” ang pahayag pa ni Xian tungkol sa kanila ni Kim. Kasabay nito, tila binalaan naman ng aktor ang bashers nila ni Kim na kung hindi siya naiintindihan ng mga ito, dedmahin na lang ang kanyang mga post, “There is no room for negativity or any made up accounts taking up space in this post.”

Hirit pa ni Xian sa samahan nila ng Kapamilya actress, “What we have is special. YOU are very special. HAPPY BIRTHDAY @chinitaprincess Kimberly Sue Yap Chiu.

Always remember that if you need a shoulder to cry on, an open ear and a lending hand…I gotchiu!”  Kahapon, sa ginanap na press launch para sa second album ni Kim na “Chinita Princess” under Star Music, buong-ninging na inamin ng aktres na si Xian pa rin ang nananatiling pinakamalapit na lalaki sa buhay niya.

At dahil nga ang carrier single ng album niya ay ang kantang “Mr. Right”, tinanong ng press si Kim kung natagpuan na ba niya ito sa tunay na buhay. Ang naging sagot ng aktres, “Sana, sana siya na nga! Siyempre, sino pa ba ang pinaka-close na guy sa akin, si Xian Lim po,” na ikinakilig naman ng KimXi fans.

Nagpasalamat din siya kay Xian sa naging emosyonal na birthday greeting nito para sa kanya. (Mapapanood ang video ng “thank you message” ni Kim kay Xian sa Bandera.ph)

Anyway, available na sa lahat ng record bars nationwide ang second album ni Kim na “Chinita Princess” under Star Music. Ito ang pagbabalik ng Kapamilya Teleserye Princess sa music industry walong taon matapos ilunsad ang kanyang first album.

Sey ni Kim, lahat ng kanta sa kanyang second album ay reflection ng estado ng kanyang puso ngayong, “Pinatulog ko lang ‘yung voice ko for a while,” biro ng aktres. Ito ang magsisilbing birthday gift ni Kim sa kanyang fans.

“Aside from my 9th year in showbiz, nag-birthday din ako so parang regalo ko ito sa lahat ng mga sumusuporta at patuloy na nagmamahal sa akin,” aniya pa.

Patuloy pa nito, “Kasi sa mga shows ko abroad, naggigitara ako, kumakanta. I’m very happy na ‘yung Star Records binigyan ako ng offer. I’m very happy and very excited na bumalik ulit sa music.”

“Basta, it will be different. It’s more about looking at life in a positive way,” kaya sana magustuhan nila,” chika ni Kim. Ilan pa sa kantang nakapaloob sa “Chinita Princess” ay ang “Express Yourself”, “Darating Din”, “Wala Man Sa’Yo Lahat”, “Say We Don’t Care” at “Someday” (bagong version ng Crazy Love).

Meron din itong minus one ng lahat ng tracks kaya pwedeng-pwede n’yo rin itong kantahin. Digital tracks can also be downloaded via iTunes, Mymusicstore.com.ph at Starmusic.ph. Si Rox Santos ang overall producer ng album.

Read more...