Pinakamababang net satisfaction rating ng Aquino administrastion naitala

Aquino

Aquino

Naitala ang pinakamababang net satisfaction rating ng Aquino administration batay sa survey ng Social Weather Station.
Nakakuha ang Aquino government ng 19 porsyentong net satisfaction rating (48 porsyentong satisfied, 29 porsyentong dissatisfied at 15 porsyentong undecided).
Mula ito sa 34 porsyentong net rating sa survey noong Disyembre. Pinakamataas ang nakuhang rating ng Aquino government noong Hunyo 2013 na naitala sa 66 porsyento.
Pinakamataas ang nakuhang rating ng gobyerno sa pagtulong sa mahihirap na naitala sa 42 porsyentong net rating.
Pinakamababa naman ang nakuha nito sa pagresolba sa Maguindanao massacre na naitala sa -50 porsyento na nasa kategoryang very bad.
Nakakuha naman ang gobyerno ng 34 porsyentong net rating (62 satisfied, 28 dissatisfied) sa pagtulong sa mahihirap.
Sumunod naman ang pagtaguyod sa kapakanan ng overseas Filipino workers 34 porsyento (56 satified, 23 dissatisfied), pagbibigay ng proteksyon sa kalikasan 32 porsyento (56 satisfied, 24 dissatisfied), at ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa ay 30 porsyento (54 satisfied, 24 dissatisfied).
Sa paghahanda sa climate change ay 29 porsyento (52 satisfied, 24 dissatisfied), paglaban sa teritoryo ng bansa 22 porsyento (50 satisfied, 29 dissatsified), pagsasabi ng totoo ay 15 porsyento (46 satisfied, 31 dissatisfied), pagbabalik ng kapayapaan sa Mindanao 12 porsyento (47 satisfied, 35 dissatisfied), at paglikha ng trabaho 11 porsyento (48 satisfied at 37 dissatisfied).
Sa paglaban sa krimen ay 9 porsyento (44 satisfied, 35 dissatisfied), rehabilitasyon ng nasira ng gera sa Mindanao 7 porsyento (43 satisfied, 36 dissatisfied), paglaban sa terorismo 6 porsyento (46 satisfied, 40 dissatisfied), at pagsugpo sa katiwalian 2 porsyento (43 satisfied, 41 dissatisfied).
Negatibo naman ang rating ng gobyerno sa lima pang isyu. Negative 3 sa pakikipagkasundo sa mga rebeldeng komunista (38 satisfied, 40 dissatisfied) at rebeldeng Muslim (38 satisfied at 42 dissatisfied), at paglaban sa pagtaas ng presyo ng bilihin -8 porsyento (38 satisfied, 46 dissatisfied).
Sa pagtiyak na walang pamilyang magugutom ay -11 porsyento (35 satified, 45 dissatisfied), at pagsiguro na hindi overprice ang produktong petrolyo -13 porsyento (33 satisfied, 45 dissatisfied).
Ang survey ay ginawa mula Marso 20-23 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.

Read more...